USAPANG PERA

I just need advice mga Mare. Ang Lip ko po ay minimum wage earner, at ako po lage humahawak nang pera, napag kakasya ko naman at may 1 toddler kami at nangungupahan din, Binibigyan ko din yung Lip ko nang 1k per kinsenas at nakakapag save din ako nang kunti (Kasi were planning na mag negosyo pag nakaipon). We never had a problem sa money kasi kapag kinakapos po kami ay nagagawan ko nang paraan kasi may kinikita din ako kahit stay at home mom ako. Now This week nag Loan yung Lip ko (Without telling me) at binigay nya sa pamilya nya Lahat (Ni piso wala binigay sa amin nang anak nya) alam ko din naman na yung 2k monthly budget nya pinapadala nya sa mga kapatid nya (Na may mga asawa na din) at never naging issue sakin yun kasi nga budget nya yun, kahit nag kakanda leche leche yung budget namin daily kasi nga dun siya bumabawas sa pang araw araw nya kasi yung budget nya pinapamigay nya. Yung ni loan po nya is same amount sa naipon na namin this year, MALI ba ako na sinabi ko sa Lip ko na wag na namin ituloy yung pag iipon namin at yung naipon na namin ay inilagay ko sa savings nang Anak namin, baka po kasi pati yun ay ibigay din nya sa mga kapatid nya. Mag fofocus nalang ako sa savings para sa Anak ko para kahit mag hiwalay kami nang Lip ko atleast may naitabi ako para sa Anak ko. Ilang araw nadin kami nd nag uusap nang Lip ko, nd kasi ako yung pala Confront na tao, the moment na dineny nya yung pag loan nya kahit nabasa ko naman yung mga convo nila nang kapatid nya kahit dinelete na nya ay nd ko na inulit pang mag tanong. I dont have issue sa pag bibigay nya nang pera pero sana naman wag mangutang para lang masabihang galante at nd man lang naisip na nahihirapan din kami.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

hindi ata pera ang issue dito mi..yong partner mo ata talaga ang issue..kausapin mo siya ng maayos kung ano ba talaga ang plano niya sa pamilya ninyo..hindi naman siguro masama ang tumulong pero may sarili na siyang pamilya na dapat pagtuunan..may sarili na kamong pamilya ang mga kapatid niya pero financially tumutulong pa siya tapos itinago niya pa ang loan..para saan pa yong pagtitiwala na binibigay mo sa kanya? maganda na rin yong ginawa mong savings para sa anak mo mi

Đọc thêm