My Journey
I would just like to share what I am going through right now kasi medyo mabigat. Last 2020 I had miscarriage, 1st baby namen sana yon. Right after the first lockdown nakabuo kame ni hubby. 5 years married na kame nuon. But then may nakitang cyst sa right ovary ko na malaki na pala, so kailangan sya alisin. 4 mos akong preggy nung naoperahan ako but our baby did not suvive. After 2 years, ngyn meron na ulet kameng rainbow baby 😇 21 weeks today. Aware ako na may DERMOID CYST sa left ovary ko, and meron dn akong MYOMA. Tiwala naman ako sa OB kasi family OB sya and nag hahandle ng high risk pregnancies... Then nag spotting ako the other night. Actually d ko alam itsura ng spotting. Inisip ko baka dscharge lang. Early morning nag pnta agad kame kay OB. Sabe nya spotting nga daw so pna ultrasound nya ko after I.E. to measure the cervix daw. Sabe ng sonologist after ng ultrasound, "May nakita akong amniotic band. Si OB na mag explain sayo." So ako naman nag Google while waiting na na stress ako sa mga nakita ko sa Google. Amniotic band is like a string na pwedeng mag pulupot sa any part of the body ni baby, pwedeng madeform or worst case maputol. Anyway, base un kay Google. Next day ayun na nga inexplain ni OB in a lighter way na string nga sya and it's a rare case like 1/10000 babies and wow na floor select pa kame. Good thing, hndi sia nakapulupot and sana daw mapigtal nlng. Ung cervix ko naman ... naging short. Nag 2.6cm na medyo alert level na daw pag nag 2.5 below. So we have 4 things to worry about... The Dermoid, the Myoma, na both nagbbgay bigat sa uterus kaya daw baka kaya naddagdgan ang pull ni gravity... The short cervix which signals pre term labor 🥺 and the amniotic band. It was too much for me when I walked out of the clinic, madaling sabhn na kumalma or mag relax pero hndi ko napigilan maiyak nung gabe. Nahimasmasan naman na ko ngyn and I am just praying that we can make it through. I hope kayo ding mga mommies na may mga pinag dadaanan na complications I hope we can make it through this. Sama ko kyo sa prayers ko. 🙏🏻 Kung sa atin tlga, ibbigay to ni God. Let's trust the process. Thank you for taking time to read 😇🙏🏻