ADHD na ba to or spoiled lang ang anak ko?

I have 5yo daughter, di pa siya nag aaral. Sobrang likot at kulit talaga. Alam ko may ibang bata rin na super likot, baka mas malikot pa sa kanya. Ang concern ko, hindi siya nakikinig pag sinasaway ko. Naka ilang tawag nako, sinabi ko nang wag gawin, itutuloy parin niya na para bang hindi niya naririnig yung salita ko. Minsan kailangan ko pa lumapit para mapigilan siya sa gagawin niya. Siguro baka ako yung problema? Di naman sa ayaw kong tumayo sa pagkakaupo or pagkahiga pero diba minsan kakalapat palang ng pwet mo sa upuan matapos mo sa mga gawain, tatayo ka nanaman para mag saway. Sobrang pagpapasensya ko talaga kasi hindi (at ayoko) namamalo. Hanggang kaya ko magsalita ng mahinahon (kahit madalas papunta na sa sigaw). Isa pa, pag hindi niya talaga nakukuha ang gusto niya, nagtatantrums siya. Yung simpleng magpatimpla ng gatas kailangan instant. Hindi ko alam kung panu siya kontrolin. Kasalanan ko rin talaga ko, nabababad siya sa TV or computer. Minsan 5-6 hrs or baka nga mas higit pa. May mga araw at oras naman na wala silang screen time (any gadgets) pero mas madalas yung babad talaga 😭 What did I do to my child? 😭 I feel so guilty. 4 kasi sila and may work (at home) pako so medyo hirap talaga ko hatiin ang oras ko sa lahat lahat, lalo pag nagsabay sabay sila ng sumpong.

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

There’s nothing wrong seeking advice sa mga behavioral therapist o developmental therapist.

7mo trước

yes, may schedule na kami.