I have a 3 yr old daughter and she is a Picky eater. Pili lang kinakain nya, sa morning usually bread, scrambled egg or noodles/pancit canton lang gusto nya kainin. Sa fruits naman, banana lang gusto nya. Kapag lunch at dinner naman, rice na may sabaw at dinurog na gulay lang kinakain nya. Gusto ko sana sya turuan kumain ng ibang variety ng food.
Anong technique ginawa nyo para turuan toddlers nyo kumain ng ibang foods? Effective ba yung mag offer ng ibang food tapos kapag hindi nya kinain hayaan lang magutom hanggang mapilitan siyang kumain ng inu offer na food. Once kasi nag try kami ng ganyan technique kaso hindi talaga sya kumain maghapon. Naaawa kasi ako kapag hindi siya kumakain. Please I need your advice. Medyo stress na din kasi ako, medyo na offend kasi ako everytime nacocompare ang anak ko sa ibang bata ng mga in-laws ko. Don't get me wrong, mabait naman in-laws ko pero na stress talaga ako kapag kinucompare nila anak ko sa ibang bata.
Hope you can share your techniques or advice paano nyo naturuan toddlers nyo hindi maging picky eater. Thank you in advance.