Depress for my LO 😭 (08-05-20)

I just go back to work last night, call center agent kaming mag asawa and Work at Home ang setup but I'm very depress. First day naming magkawalay ng anak ko (pure BF like my hubby wants) since ang setup namin ay kinuha kong mag-alaga sa kanya yung tita ko. Kapag umaga sa kanila si Lo para makatulog nmn ako kahit papaano, kapag gabi samin sya since d nmn sya iyakin at once natulog sya diretso hanggang umaga, kanina every hour gising ako feeling ang tagal ng tulog ko at hinahanap ko ang anak ko. The most depressing part is yung kailangan na magformula ni Lo (he was 4mos old). Sapilitan ang pagdede nya sa bote kasi kapag nagpump ako may makuha man ako pero konting konti lang. Nung sunduin ko sya pagkakita nya sakin bigla syang humiyaw ng iyak 😔😔 pagkauwi namin at patutulugin ko na pinaburp ko sumuka sya ng sobrang dami as in pati sa ilong lumalabas 😭 gusto kong maiyak at sabihin sa partner ko na gusto ko na magquit sa work though nanghihinayang ako sa kita at naaawa ako sa partner ko coz he was stressed sa mga monthly bills kaya lang dko rin magawa bka mag away kami at sbihin nya sakin na tinatamad lang akong magwork. Ang sa akin lang, kaya kong mag ulam ng tubig at asin basta yung anak ko dko mapabayaan, kahit d ako makatulog maasikaso ko lang sya. Ang hirap pala maging nanay nakakadurog ng puso pero hindi tayo maintindihan minsan ng mga asawa naten. My shift was 12mn to 9am, my hubby was 9pm to 6pm. He can't handle my son, he doesn't know how to calm him nor change his diaper. Kaya ako lang talaga lahat pati sa buong bahay, and yet he always rant that he was tired and sleepless (no reason for him to be sleepless since ako lang nag aalaga sa anak ko, mdlas dun pa kmi sa mga tta ko nagstay pra makatulog sya ng mahimbing dhil alam kong puyat sya, pag wala kmi instead of him sleeping magsamantala syang manuod ng youtube at magml) but he never asked me if I'm okay, if I'm not tired. Today, 5hrs sleep lang ako khit wla yung anak ko dahil syempre asikaso pa sa lahat bago matulog and i need to pick up my son at 6pm. Nakakapagod pero pilitin kong kayanin para sa anak ko, sana yung hubby ko magkusa na sabihan akong huminto muna ng ilang buwan para mapalaki muna ng kaunti ang anak ko like what we talked about when I'm still pregnant. Sorry mga mamsh ang haba ng rant ko kapag ksi sa family ko ako nag open up of course they might judge my husband. TIA sa advise.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Parehas lang kayong pagud ngayon momsh. Try getting a good sleep. Kayong dalawa. Tas tsaka nyo pag usapan. Maswerte kayo na you two could both work kase may napapagkatiwalaan kayong magbabantay kay baby. Napakahirap ng panahon ngayon. Blessing ang pagkakaroon ng maayus na trabaho at someone na titingin sa anak nyo while you work/sleep.

Đọc thêm
4y trước

Salamat sis. Siguro nga pagod lang din, I'm thankful having a job ofcourse, sayang din ang tenureship kung iisipin pero nahahati talaga puso ko kapag feeling ko napapabayaan ko ang anak ko.

Thành viên VIP

Baka mabinat ka nyan sis

4y trước

Nakatulog ako hbang nagpapaBF kanina, sobrang sama ng panaginip ko about him. Sa panaginip ko mawawala daw sya sakin 😭