I am getting worried and I badly need your advice mommies. My baby is 1yr and 6 months na po. Kaso napapansin ko po na parang delay po sya sa mga bagay bagay. Kasi untill now, hindi pa rin po sya marunong mag babye, or magpoint ng things, hindi pa rin po sya nakakapagsalita pero kaya na nya po mamama dadada, hinde, pero madalang lang po yun.
Active naman po sya and nakikipaglaro sa ibang bata, can walk and run and nakikipagtawanan din sya sa playmates nya. Can play toys normally naman rin.
Sadyang nagwoworry lang po ako or naicocompare ko sya sa iba na marunong na kahit paano mag ask ng dede, or ituro ang kanilang mama or dada. Or marunong na ang iba magbabye.
I am a first time mommy po kasi kaya hindi ko po alam kung alin po ba ang late bloomer sa hindi, kung ok lang ba yung baby ko when it comes to progress. Etc. Please help me po para matulungan ko rin ang baby ko. Thank you.
Anonymous