newborn diagnosis

I gave birth thru CS Section (emergency) last april 25,2019 , and I was so disappointed about myself at ang dumagdag pa dito ay yung nalaman namin na may infection si baby sa dugo na kailangan niya maiwan sa hospital for monitoring. Do you have any experience mommies? Sepsis daw po sakit ni Baby, ang hirap din kasi nagrerecover pa ko tapos need magbantay kay baby . TIA #skl

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mami nararamdaman ko ang nararamdaman mo ngayon. Please read this. 😭 April 5 nilabas baby ko via CS. 2.4kilos and then same we found out na may infection siya sa dugo. 7days daw ang gamutan. Diko iniwan si baby isang room lang kami kahit pede nako umuwi di ako nag pa cleared para bantay ko parin. April 6 nalaman na may infection siya. April 9 pinaulit ang test kung negative admit parin kung normal na pede umuwi but sa bahay icocontinue ang turok. Ang sakit sa 4days nmin sa ospital iyak ako ng iyak. Buti matatag ang hubby ko. Pero dipa dun natatapos. Diba nga iccontinue sa bahay ang antibiotics so naka heplock na siya so nung pang 5th shot niya grabe na siya umiyak habang tinuturok ang antibiotics. Sinabi na namin sa ate ng hubby ko (Obgyne at as usual siya nagperform ng cs sakin) So her ate decided na ipatanggal sa nurse yung line and then surprisingly na burn na ang paa niya sa tagal siguro saka sa kakagalaw niya. Yun na nga inalis yung line nilapat sa kamay so panibagong pagiingat na naman. Ang worst part is yung burn niya sumabay pa. Grabe lalim na akala namin maadmit na naman kami kasi baka mainfection uli pinapunta na kami ng ate ng hubby ko sa surgeon para magpatingin thank God di naman urgent ang pagopera. Di rin masyadong concern sa Pedia so umokay kami. Pero grabe stress namin dun ko rin nakitang umiyak hubby ko. 😭😢 Pero eto mag 1mon na si baby. Nawala na lahat. Pati paninilaw niya wala na lahat. Sobrang nagpapasalamat kami kay God. Pray lang tayo lagi mag mamshie. ❤❤ Kung may tanong feel free to ask. Buti doktora ang ate niya ang daming source para mapagaling ang baby namin ni hubby. Plus ang sobrang laki ng na menus namin sa bills. Hehe. Always pray mamshie malalagpasan mo din yan lahat. Dimo pansin matatapos na yan ng dimo namamalayan. ❤❤

Đọc thêm
5y trước

Hi sis april 6 2019 ko naman nalabas lo ko at parehong pareho tyo ng naging sitwasyon. Cs di ako and nung 3rd day nya nag seizure sya at nalaman na may sepsis sya. Nagstay ako non sa ospital sa room ni baby kesa sa umuwi ako at grbe hirap namin mag asawa sa pagbabantay at the same time nagpapagaling din ako non. Nagkaburn din paa ng lo ko to the point n gumaling sya nung mg 2mos na sya and now ang laki ng peklat nya sa paa. Pero thanks god na din at umok baby ko sa kabila ng mga test at injection sa kanya.

infection sa dugo ibig sabihin sis may Nana ka sa Pwerta nung Pinagbubuntis mo sya na di natreat, yan din kase Pinoproblema ko ngayon ee 28weeks Preggy naman ako Kinunan ako Vaginal Discharge at Findings na may nana ako sa Pwerta na pag di natreat maaaring mag ka infection sa dugo si baby pag labas nya. Natakot tuloy ako Para sa baby ko😩

Đọc thêm
6y trước

bat ganon hindi nakita nung nagpapacheck up ako, kakaloka

Cs din po ako nung april 24.nagkainfection din po baby ko naiwan po siya sa hospital week po siya dun. Kailangan kase macomplete nya yung antibiotic.everyday naman po namin dinadalaw kahit malayo hospital. Wag ka mag alala mommy gagaling din si baby mo. Yung sakin naiuwe lang namin kanina.

ako sis naiwan din si Baby for a week sa NICU dahil may Jaundice. ang hirap kasi araw2 ako bumbyahe sa hospital para makasama si baby at mejo hindi kami nag karoon ng masyadong time for breastfeeding.

6y trước

,ahh atleast naagapan at ilang araw xa n confine sa nicu sis .. ?

pray mommy ,& be thankful po na naagapan si baby nyo kasi yun panganay namin ng partner ko late na nadiagnose yun sepsis nya 8 days lang namin siya nakasama .

6y trước

yes po 😥💔 para akong mababaliw that time hindi ko alam kung sino sisisihin ko .

Pray lang mumsh. Kaya kailangan talaga pag preggy ka pacheck na agad kung my nararamdaman ka hirap kapag si baby nahawa ng infection.

pnganay ko ganyan may sepsis dn. 1 week s hospital. grabe kc UTI ko dati. nkakaawa s baby pero need.

6y trước

kaya nga, 😭💔

anu yun sis? kmsta nc baby mo today? bkt ngkkainfection sa dugo,

6y trước

hala ganun poba..

Thành viên VIP

Laya mo yan

*1 week