hi mga momshie,

I don't know how to start . Im preggy for 7months yung partner ko po may past po siya, meaning may family po siya. Hindi pa po sila annulled actually, pero matagal na po silang di okay. Nakikisama Lang ung partner ko para sa mga kids nila kaya minsan dun po siya umuuwi sa kanila. Hindi pa po kasi nakakamove-on yung girl tapos nalaman pa niyang buntis ako. So ngaun po, iniipit niya si partner ko sa status nilang dalwa. Ayaw niya makipaghiwalay para daw sa mga kids though wala na daw feelings. Sobrang stressed po ako araw araw ko iniisip at worried. Di ko alam kung lalayo na Lang po ba ako para sa ikakatahimik ng lahat? Or ipaglalaban ko pa din po pagmamahal ko sa partner ko. Kung lalayo naman po ako paano na ang baby ko? Saan naman po ako pupunta (wala na po akong malalapitan/mapupuntahan). May plano daw po kasi yung girl against us since di pa sila annulled. Please advise naman po... Nagmahal lang naman po ako at nagmamahalan po kami. Please don't judge. Try to understand my side po. Salamat. -byazaleaaaaaerin

44 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Momsh sa sitwasyon mo na yan wala kang karapatan maghabol o ipaglaban tang tatay ng anak mo .. dahil una sa lahat lumalabas na kabit kalang at alam kamo ng legal na asawa na buntis kna .. momsh pwedeng pwede ka makulong jan sa sitwasyon mo wala kang laban sa legal na asawa .. Mas okay sguro pag usapan nyo nalang about sa bata .. wag mo muna isipin sarili mo o yang pagamamahal mo sa lalaking yun ang isipin mo yang anak mo .. Sabihin muna lang sustentuhan si baby mo tapos di kna man magpapakita na ..yan lang magandang sulosyon Uwi ka muna sa pamilya mo At most important magdasal ka

Đọc thêm