Physical Changes on preggy moms

Can i ask po sa mga nangingitim ung leeg at kili kili pati narin singit, pwede na ba ito applyan ng calamansi at baking soda while being pregnant? Or after pregnancy nalang po? Pati yung sa leeeg? Nakakainsecure talaga po kasi sya honestly. Pwede ko din po bang tanungin kung yung manas sa ilong ay mga paa ay babalik din sa normal niyang lagay kapag nanganak na? May mga iba kasi akong naririnig na hindi na bumabalik dati nilang itsura. Pahingi naman ng advice para ayusin at iprevent ang pagka losyang sa pregnancy. i know it's part of it and i should embrace it but It makes me feel insecure talaga and less confident. ?? Thankyouu sa mga sasagot mamshies

29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hehe. Thankyou mamshies on sharing your battles thru the process of pregnancy. ❤ I couldn't afford to repky all of your commenta but i am glad you really shared it. Sobrang nainspire ako and naaliw sa kwentos niyo. ❤

Wag na lang po munang maglagay ng kung ano ano kasi kung ganyan po talaga ang pagbubuntis niyo iitim at iitim talaga yan parang sakin po. Babalik din naman po ng paunti unti yan sa dati once na manganak na po kayo.

6y trước

Sge sis Tnx. ❤

Thành viên VIP

After pregnancy nalang po kusang mawawala ang pangingitim pero yung ilong po matagal po babalik sa normal kung mag lose weight ka po. Yung manas sa paa 2-3 weeks wala na po yan

Normal lang po sa pregnant ang insecure. Babalik din po yan sa normal kapag nag normalize na yung hormones. Isipin mo nalang po lagi na all your sacrifices are for your baby.

ako din sinubukan ko labanan ang hormones kase umitim ung ibang mga parte ng katawan ko gumamit ako ng kalamansi kaso tinigil ko din balewala e after na lang siguro manganak

Ako dn momshie...umitim kili kili ko at wla ako gana mg aayos ngaun pero ..sb k aftr ko mngank at aftr a month dun nlng ako mg aayos ult heheh pra d nmn masbi n losyang kna

6y trước

Ako din itsura ko mukha nako 50yrs old lagi naka pusod buhok minsan lang ako magsuklay pag sinisipag ultimo pag suot bra kinakatamaran ko, wala talga ako gana mg ayos , nabwisit nga ako sa mukha ko tuwing tingin salamin napaka panget ko, ilong ko para nangangamatis, kili kili ko singit ang itim ko, para nakakahiya sa ob ko pagnakita singit ko baka pandirian ako dna ako paanakin😅. Ung una month pag buntis ko medyo blooming pa itsura ko ana nag 2nd month na chura ko ewan pati kulay buhok ko nag gray na nga e kaya d sila naniniwala pag sinabi ko mag 32 palang ako sa katapusan akala nila 45plus nako! Sama talga itsura ko, pero babae pinag buntis ko

Sa akin umitim na leeg ko.. hindi pa naman masyado maitim kili kili ko.. kaya lang yung ilong ko ang laki na 😭 mag 3mos pa lang tyan ko nun lumalaki na ilong ko.. hays

Thành viên VIP

Sa akin momsh nangitim kili kili ko at lumaki ang ilong ko. Namaga rin pala paa ko namanas ako... Maraming mga namimintas sa akin. Pero hindi ko na lang sila iniintindi.

thankyou so much mga mamsh. Nakatulong yung mga sinabi niyo. 😊 Salamat ng marmi. 🤗 First time mom kasi ako huhuhu. natakot na tuloy ako mabuntis ng dahil dto hahaha

6y trước

Okay mamsh. Thanks sa advice. 😊

Lahat po yan babalik sa normal after pregnancy. Yang pangingitim ng ibat ibang parts natin, di pa mawawala yan ngayon kahit ano pa pong ilagay mo.