Please Help
I am 9 weeks pregnant po. Wala akong gana kumain. Kapag kumain naman ako, sinusuka ko lang. Ano po ba dapat ko gawin at kainin? Lagi po akong gutom. Baka maapektuhan po yung growth and health ni baby. Di ko rin ma take uminom kahit tubig kasi lalo ako nasusuka. Gatorade nalang iniinom ko. Please, tulungan nyo po ako. Salamat momshies!!
It's normal na makaramdam ka ng ganyan. Wag masyado mag-worry. Kainin mo lang ang gusto mo pero i-limit ang mga pagkain or drinks na sweets po.
Ganyan ganyan din po ako noon. Sobrang hirap kasi kahit masarap na food, isusuka mo lang din. Mm try mo kumain ng konti-konti lang. 😉
Kain ka kahit pakonti konti lang. Ganyan din ako sa 2 months ko. Panay suka, kaso naisip ko baby ko baka mapano kaya pinilit kong kumain.
Normal ssis ako din nung 1st tri pero sabi ni ob ok lang,babawi nlng sa 2nd tri. 33wks na ko ngayon,healthy naman si baby.
Normal lang yan. Maselan ka kasi mag buntis. Kain ka lang ng prutas. Or pilitin mo uminom ng tubig para di ka madehydrate
Same ganyan din ako sa baby ko noon pero nung nag2nd trimester na ako gumana na ako kumain. Malalagpasan mo rin yan sis 😊
Salamat sis. Sana nga. Miss ko na kumain ng masasarap
Ganyan din po ako nung first tri pero pinipilit ko pong kumain para healthy p din si baby. Tapos kain ka lang po ng fruits momny.
Opo. Salamat po 😊
Need mo magtake ng water kahit pagkagising mo lang. It should be warm water with lemon to ease your morning sickness.
Try niyo po kumain then orange juice. Para di po kayo masuka. Ganyan din po ako dati. Ultimo water nilalabas ko.
Try niyo po gawing ice candy yung gatorade at fruits :) nakatulong po sa akin. At Small frequent meals lang po.
A mother