Baby is ready at 41weeks
I am on my 40weeks and 4days when my 4th IE was done still, close cervix pa din. Super worried na ako maoverdue or maCS na. Naglakad lakad nako morning and afternoon, inserted Evening Primrose 2capsules every night started on my 39th week, drunk pineapple juice almost everyday pero tama ang sinabi ni OB Doc Bev Ferrer which is a Gentle Birth Advocate that when baby is ready lalabas at lalabas sya. On that same day evening, sumakit na yung puson ko like dysmenorrhea pain with mucus plug na at konting dugo pero hindi ko iniinda since tolerable pa yung pain and as per my OB bahagya na siguro nag open cervix ko. Kinabukasan nakakaramdam pa din ako ng pain, mucus plug with blood stain din pero 11:30pm nagkaroon na ng 5mins interval yung sakit at masakit na sya 6/10 that is when we decided to go na sa birthing home but 1cm p lang ako upon IE. Bumalik kami sa bahay instead na magstay since mukhang matatagalan pa. At 6am decided na akong magstay sa birthing home since hindi nako makatulog sa pain upon arrival 3cm na agad ako. 11am 5cm na.. 3pm 6cm na, 5pm 7-8cm hanggang 6pm ininduce nako for labor since na stock nako sa 7-8cm. At 9pm 7-8cm pa din ako kahit nainduce nako. Habang iniinduce ako 1-2mins interval na ng pain at unbearable na kaya at 9pm 7-8cm pa din kahit ininduce na binigyan ako ni Doc Bev ng another exercise pero di ko na talaga kaya. Nag-usap kami ng husband ko na ayaw ko man, ilet go na ang water birth at magpaCS na. 10pm, we decided to talk to my OB but because my OB assessment is kaya ko inormal delivery with epidural nagtransfer kami sa ospital na affiliated sya at nung na epidural ako, nabawasan ang pain at mas nagkaroon ako ng confidence and also encouragement from my OB na kaya ko pa to deliver the baby via vaginal birth. Nakainhale man ng poop si baby sa loob maybe because of the stress ng more than 25hours labor pasalamat pa din ako na pareho kaming ligtas. During delivery, doon din nalaman na cord coil si baby kaya hirap syang bumaba sa cervix ko. Paglabas nya, hindi sya agad umiyak dahil sa cord coil kaya mabilisang unang yakap at ginawa nila lahat para mapaiyak ang baby ko na umabot halos ng 1minute, that moment umiiyak nako sa pag-aalala at sa pagod. Ngayon, baby is currently taking antibiotic for 7days. 😣 Still, thankful to Jesus that despite all trials we are both safe! ❤️ Thank you to this group! Welcome to the world! Marcael Jaro R. Naniong 👶 53cm 3.5kg via NSD with epidural EDD: 31 Jan 2021 DOB: 07 Feb 2021 at 1:05am #firstbaby #pregnancy #1stimemom