Sorry po sa post na ito😥😥😥 Baka po meron gusto mag ampon ng Baby kaso nasa sinapupunan po sya,
Huwag nyo po sanang husgahan dahil iniwan po sya nung kalive-in nya.. Post nyo nalang po Cell# nyo at sya nalang po tatawag. nauunawaan ko naman kasi stress na stress na po sya. Gusto lang nya mailagay sa ayos ang Sangol, dahil wala po talaga syang kakayanan buhayin. kisa naman nga iwanan kung saan, mapabuti nalang sana maiwan yung sangol.
hindi rason yan kung iniwanan ka man edi kayanin mo buhayin mag isa... masasabi kong mga walang kwentang tao lang makakagawa ng ganyan sa kanyang sariling anak. ako may kambal na kapatid, si papa sinusulsulan na ipaampon nalang kesyo dina kaya buhayin madami na kami, pero hindi pumayag ang mama ko pinaglaban nya kami at hindi niya hinayaan na mapunta sa ibang tao ang kapatid ko ,naghiwlay sila ni papa ang liliit pa namin sanggol pa lang ang kambal partida cs pa mama ko pero nakayanan nya kami buhayin na sya mag isa, may naaawa samin kaya may nag aabot tulong kahit papano pero di si mama nasanay na ganon ,gumawa sya madming paraan para may makain kami naglalako,nagtitinda lahat lahat na. hindi niya ininda ang hirap, ang stress ang depress na yan, lahat nakayanan nya dahil mahal na mhl nya kami dahil ayaw nya mawalay ni isa samin. kaya kayong mga tao na isa pa nga lang magging responsibilidad nyo tataksan niyo na masasabi ko wala kayong kwenta talaga. hindi kayo karapat dapat maging ina kung ganyan lang gagawin niyo. andami pweding paraan,andami pwding gawin para mabuhay lang anak niyo, porke iniwanan babaliwalain na anak. isang malaking katangahan,kasalanan at katamaran....
Đọc thêmalam mo kung talagang mahal niya anak niya kahit mahirap igagapang niya yan. ibigsabihan lang tamad siya gumawa ng paraan para di malayo sa kanya yung anak niya. may mga kamag anak din naman siguro siya na pwede siya tulungan para kung sakali mag ttrabaho na siya iwan niya sa kamag anak niya. kasi kahit ako kung sakali man mag hiwalay kami ng asawa ko alam ko din sa sarili ko wala pa akong kakayahan pero lahat gagawin ko wag lang mawalay sakin anak ko kasi mahal ko anak ko. hindi sagot ang porke nag hiwalay sila ng ama ng anak niya maraming ganyang case but still nakakayang buhayin anak nila na di iniiaip na ipa ampon anak nila.
Đọc thêmhindi po dapat kayo nagpopost ng ganyan dito. kung gusto nyo pong ipaampon yung baby may proper way po para jan. may mga mommy po dito na hirap magkaanak yung iba nadedepress dahil hirap makabuo. maging sensitive po sana tayo sa pagpopost. about po sa adoption pwede po kayong lumapit sa dswd.
hindi po maaari ang ganitong pamamaraan ng pagpapaampon. kung gusto po ng magulang na ipaampon ang anak, idaan po sa legal na proseso. maaari po kasing makasuhan at maparusahan ng pagkakakulong ang sinumang lalabag sa RA No. 8552 o Domestic Adoption Act.
ingat mga sis. yung iba pinapa-adopt na agad kahit nasa sinapupunan pa lang. tapos kayo yung pasasagutin sa pagpapaanak, then ang ending hindi na ibibigay, then mangangako na lang na babayaran sa nagastos hanggang sa kalimutan na.
yung akin nga itinanggi ng ama nya 3mos palang sa tiyan ko. ni minsan di ko naisip na ipaampon.. ipupunta lang yan sa DSWD.. keri mo yan.. tiwala lang.. baka pag nakita mo si baby mo magbago isip mo. patulfo mo ang ama nyan if gusto mo.
Please coordinate po sa DSWD. Kase ina- asses po talaga ang mag-aampon. Marami pong masasamang loob ngayon na ginagamit ang bata sa masamang paraan. Ingat po... wag po basta ipagkatiwala sa hindi natin kilala. Mahirap na.
sa dswd nyo na lng po pero sna wag ng maulet yung ganyan dahil kawawa po ang baby pag dating na iluluwal nyo na po sya sa mundo..ingat po
mas kailangan po ng baby yung totoong mommy niya. hindi rason na iniwan na stress or iniwan, pano naman si baby? pag-isipan niyo po yan
ang app po na ito ay hindi para sa mga mag adopt mahirap na po kasi iba na ang panahon ngayon uso na ang scammer modus etc.