Am I thinking right or im just paranoid?
My husband has his long time bestfriend. Girl Bestfriend since High school. So bago ako, meron ng sila. I have already met this girl. Sobrang sweet nya, clingy, mabait at maaalalahanin. Naging close kami ni girl simula nung magboyfriend/girlfriend palang kami ni hubby. They're really close to each other. They even say iloveyou's, sending sweet messages something na kapag di mo sila kilala, magiisip ka na baka in a relationship sila. Bago pa ako, one call away na nya si husband. Nagpapasundo sya kahit na malayo, kapag lasing, kapag tinatamad bumyahe everything. Even pagpapabili ng pagkain kapag gutom sya in the middle of thw night (btw mejo malayo bahay nila samin pero may motor kase si husband) kapag miss nya si husband pinapapunta nya sakanila. Sinasama naman ako ni husband before nung di pa kami kasal at sumasama naman ako since close na nga kami pero after i got married, parang iba na pakiramdam ko. Nasasaktan na ako. Naiinggit na ako. Nagtatampo ako. Close kami ng babae pero naiinggit ako. Nagseselos ako. Bakit parang hindi sya makahindi sa bestfriend nya. Bakit lahat ng favor nasa bestfriend nya. Kapag malungkot sya, pinapapunta nya si hubby sa bahay nila just to talk kahit kakagaling lang ni husband sa work. Ayoko magisip ng di maganda pero nasasaktan ako. Naiinggit ako. At ngayon nga ayon, nagpasundo nanaman sya kase daw lasing sya. He asked me naman kung pwede nya sunduin pero sino ba naman ako para humindi diba? Sabi ko nalang bahala sya. What should i do :(