Helping someone
May humingi ng tulong dito sa app, as usual mahirap talaga paniwalaan kasi sa panahon ngayon. Hindi na natin alam kung sino yung totoong may kailangan ng tulong. So nag take ako ng risk. At salamat naman dahil totoong buntis nga sya 😂 at malapit ng manganak. Wala naman syang ibang hinihingi kundi newborn clothes kasi malapit na nga sya manganak. Hindi din sya nanghingi ng Pera di gaya nung iba na sa post pa lang nila gcash at smart padala number agad binibigay, kaya naman magdadalawang isip ka talaga. Kaya naman naisip ko talagang tulungan si ate girl dahil sa dami ng posts nya na kelangan talaga nya ng tulong. And thank God dahil isa kami sa nakatulong sa kanya. At eto nga nakarating naman sa kanya. 🙂 It’s really nice na natulungan ko sya kasama yung isa kong ka mommy na nag donate din ng old clothes ng baby nya. At yung pinsan ko na nagshare ng food for her. Yung binigay namin is alam kong hindi sapat lalo na pag nanganak sya. Hindi din naman nya kasalanan na iniwan sya. Dun sa thread nung post nya nakakalungkot na may mga mommy na binabash pa sya. Na maghanap sya ng trabaho, pero sa panahon ngayon napaka hirap naghanap ng trabaho. Kung wala ng magandang sasabihin wag na natin ibash, kasi hindi naman natin alam ang tunay na nangyayari sa buhay nya, we should not judge anyone. This is a parenting app, that we should help and encourage each other. Not to bash or send hateful messages. I hope this post would encourage everyone to help kahit na sa maliit na paraan lang. Hindi lang po pera ang pwede natin itulong, gaya ni ate girl ako din po ay walang trabaho.
Hoping for a child