Ftm.
how much mga mamsh ang Need para Sa mga gamit ni baby?? 23weeks Need nba mg ipon ng gamit ni baby??
Depende po sa budget niyong mag asawa momsh. Kung nakakaluwag luwag naman, pwede na po kayong bumili pero kung gusto mo na, pero kulang sa budget, kahit paunti unti.
Ako non paunti unti ang bili hanggang sa di ko namalayan natambak na un diapers, wipes at un mga damit niya. Nakakatuwa lang din na hindi mo namamalayan un gastos.
Depende sa gamit kung gusto mo branded or not. Magipon ka na ng mga gamit paunti unti mahirap bumili ng gamit ng isang biglaan nakakapagod kaya maglakad sa mall
Bought the essentials nung 7 months si baby during expo. Then yung mga white clothes and bath tub and net sa Baclaran kami nagbuy. Super tipid kesa sa mall.
Hindi nman po kilangan biglaan ang pagbili....pwedi ka n po bumili ng paunti unti para hndi mabigat sa bulsa.....pwedi po unahin essential ni baby....😊
Depende rin po kung bago lahat bibilin mo at sa price po.... Ako po kasi 10k po sakin kulang pa, lahat kasi po bago tagal kasi po nasundan 10yrs po...
depende po sa budget and konti lang bilhin niyo unahin lang ung needs ni baby.pag labas na si baby saka bumili ulit kasi mabilis lang lumaki ang baby.
Siguro po kahit paunti unting damit, mittens, booties.. kada payday :) late na kasi ako namili nuon mga 7 mos preggy nako. Hirap! Mabigat sa tyan...
Ako po at 23 weeks nagstart bumili ng pang newborn. Yung iba pong damit kasi may manggagaling mula sa relatives kaya hinihintay na lang po muna.
Pede ka naman mang hingi or pre love na barubaruan tapos atleast 2k for essentials like sabon, alcohol and etc. and san mo ba balak manganak?