Pang-ilan si hubby?

How many relationships did you have before finding the one?

Pang-ilan si hubby?
51 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sa totoo lang meron din akong ibang nakakarelationship na nag try din kami. at bago yung partner ko ngayon. meron po talaga akong unang naging partner yung last ex ko, siguro months palang po kami ay nabuntis napo ako pero sa ang masamang balita po ay nakunan po ako, medyo masakit sobra sa side ko pero umabot pa naman yung relationship namin ng 3 years siguro unti unting nagbabago kahit ano na ding try namin halos araw arawin na namin ay wala talaga feeling ko nga baka nabaog nako bat ganun medyo stress po hanggang umabot na po na naloloko na sya sakin kaya kahit masakit sakin ako napo yung nakipaghiwalay at di na namin din po sya naghabol sakin. at ngayon po na nagtry ulit ako makipag relasyon kahit sobrang saklap ng nangyari sakin feb 2 naging kami and now aug 3 im 11 weeks pregnant na at december kami ikakasal. sobrang saya na kala ako never nako mabubuntis pero siguro my rason ang lahat siguro yung ex partner ko dati di talaga sya ang nakalaan sakin dahil di sya naging maayos na lalaki samin kaya hindi binigay yun at ngayon walang halong duda binigay agad samin ng bagong minamahal kong lalaki. kaya wag po tayo sumuko..

Đọc thêm