How long did you wait?

How many days/weeks kang delayed before ka nag-PT?

How long did you wait?
228 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

2 months 😂 nagspotting ako nung first month, akala ko mahina lang period ko. Nung second month na di ako nagkaron, nagpacheckup ako agad. Akala ko may problem saken, yung pala 9 weeks preggy na ko 😂 tulala ako kasi 6 yrs bago ko napreggy ulit.

2y trước

same tayo sis 2mos ako nag spotting kaso pag mag pt ako negative po. nagpa check up ako wala din po bb makita 😢

9 days po ako nag wait bago mag PT ☺️ may pcos po kasi ako and almost 3 years din po kami nag intay ni hubby na magka baby. july 6 ako nag pt (positive) and 3rd wedding anniversary namin ng july 13. answered prayer po talaga ☺️

me 3days of delay PT agad. hihi.. 😅 and yun nga positive agad dalawang PT. 😁 happy hubby ko haha gusto nya baby girl naman. hihi may baby boy na kasi kami para rest na. hihi😁❤️ and now im 10 weeks preggy. ❤️💕🤗

2weeks delayed nag PT na po ako postive po after 2weeks Negative and after 2week again nag PT ako kc dpa dn ako nag mens Positive na po sya tas ngaun masama lang lgeh pakiramdam ko. suka ako ng suka . sensitibo dn ako sa mga amoy ..

2mos bago ako nag pt. Akala ko due to stress lang kaya na delayed ako nung unang month kaya nung 2nd month na di nko niregla nag pt nako. Ayun nga positive, pang 3rd baby ko na to. Hoping baby girl na sana. 😊

ako po 6 weeks at ayun positive na agad.. regular po ang menstruation ko, Ngayon Yung Ika 6 weeks at 5 days Kong pregnant,,nahihilo at nagkaka morning sickness na ko,,palaging naduduwal.😩 it's my 4th baby

3 days, napakabibihira lang na mag delay ako.. mag delay man, mga 1 day lang.. kaya nung nag 3 days delay na ko, ramdam ko na buntis nga ako 😅 although wala akong pagsusuka na nararamdaman.

1st week pa lang nag PT na me negative, 2nd week, 3rd and 4th week PT negative pa rin. My period is regular and never ako na delay so I tried blood test instead doon ko na nalaman na pregnant ako ☺️

1 week - faint line lang siya pero i have symptoms na. Then i posted the pic here, all mommies narin naman nagsabi na this is it na. So the 10th day nag PT uli ako ayun malinaw na yung line :)

Ako po 4 weeks. Kc nung nag pt agad ako after 2 days ko madelay negative sya then nung mga 1 month na ko delayed nagduduwal ako saka ulit ako nagPT it turns out positive.

2y trước

pt test try niyo po