Clothes for baby

Hi. How many clothes for new born baby ba ang kailangan at anung size ang magandang bilhin? 0-3 months or ung 3-6 months? tska may list ba kau ng mga okay bilhin? thanks.

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi Mommy, My baby is now 1mo and 3wks. Bumili ako ng mga baru baruan nya tig 6 sets sando, t-shirt long sleeves, 6 shorts, 6 pajamas at dalawang frog suit, isang swaddle, booties and mittens 5 sets din same with bonnet. 1 towel and 2 receiving blankets, 5 burping towel, 6 lampin. Now na realize ko, mas maganda pala na tig 3 sets lang binili ko sa damit nya at dinagdagan ko na lang ng onesie. Ganto na kase laging suot ni baby after 3 weeks nilalagyan ko yan ng socks saka na lang namin sya kinukumutan or binabalot ng kumot.

Đọc thêm
Post reply image
5y trước

Yung onesies po anung size na yang suot niya?

Thành viên VIP

Same inquiry. Balak kong bilhin tig-3 sets lang din muna: side-tie sleeveless/short sleeves/ long sleeves, pajamas, bonnets, gloves, socks, rompers (para pang-alis or check-up) 0-3 months and 3-6 months para ready na in case biglang laki ni baby.

5y trước

Hindi pa ko nagtitingin. Pero sa rompers gusto ko sana carters. Marami kasi akong nakikitang ganun online ang cucute. Sa mga lampin naman daw enfant or curity yung magandang tela.

wag ka bumili ng madami kasi mabilis lumaki si baby! ako next month plang bibili pagkanalaman kona gender ni baby, bili ka lang muna ng 3 sets ayon kasi sabi sakin weeks lang din magagamit lalo pag mabilis lumaki si baby 😊

Thành viên VIP

konti lang kasi mabilis lumaki ang baby, sakin tag tatlong piraso binili ko. 3 sando, 3 short sleeves, 3 long sleeves, 3 pair ng mittens, socks, bonnet tapos 12 pieces lampin. Di din naman nagamit lahat.

5y trước

Pang newborn po lahat. 1 month or less mo lang yan magagamit momsh. Mas maganda bili ka na din yung pang 0-3 months kasi mabilis lumaki si baby. Sa baby ko 2 months pa lang sya pero di na kasya yung ibang 0-3 months na damit sakanya.

Thành viên VIP

Mas okay lalo tagulan 7sets mahirap din kasi araw araw naglalaba or mnsan mahirap matuyo, 0-3months talaga malaki pa nga yun e, dapat pang new born talaga na baru-baruan.

konti lang po.kasi sakin po 6 tie side na wlang sleeves then 6 tie sides na may sleeves tpos po since new born 0-3 months po bilhin mo.masyado pong malaki pag 3-6 months

Thành viên VIP

Ako sis yung mga pinag liitan lang na mga damit ang hngi ko, bumili lng ako mga boots and cover nya sa kamay tag 7sets, plus pajama na 6-9months 😊

galing pa kay sis sa anak nya ang mga damit ni baby pang new born. Hindi na aq bumili kc madali lng nmn lalaki c baby

Pwede na ata yung tig 3pcs lang na damit sleeveless,longsleeve at yung shortsleeve tapos ilang bonnet at mittens lang

Influencer của TAP

Depende din kasi sa size ni baby pag labas. Siguro 1 set (around 6pcs each) ng 0-3 and the rest 3-6 na