healing period

How long po ba bago makagalaw galaw ng maayos after normal or CS? Ayoko po kasi magstay muna sa mga kapatid ko after manganak. Naiinis na ako kasi pinipilit po ako ng tatay ko na magstay sa mga kapatid ko. Bawal daw yung partner ko sa bahay so sobrang hassle po kasi ayaw naman nila ng baby dito. Tapos ang dumi po ng bahay, puro pusa! Nakatira pa naman mga kapatid ko sa maganda na condo pero ang baboy nila mamahay. Sobrang baho at ang daming lamok... Kakayanin ko naman siguro po na mag isa no? Yung partner ko po kasi yung work niya 12 hrs per shift so bihira lang siya makakatulong sa baby. Pero at least po sa rinerent namin malinis kami sa bahay... Pinadala na nga sakin ng tatay ko lahat ng gamit ng baby, pati crib. Pero ayaw ko po talaga dito :( Sabi kasi mga 2 months daw bago ako makagawa ng house chores. Totoo po ba?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

1 week nga nakatayo nako eh 😂 but on a serious note, one month pwede na. Basta galaw galaw ka lang para bumalik sa ayos ang internal organs mo at hangga't kaya, bumawi ng kain para mabilis ka gumaling. Mas mabuti nga talaga momsh na bumukod, at least may peace of mind and yes importante din ang kalinisan lalo may baby. Kakayanin mo yan momsh 😊

Đọc thêm