from my experience po as a teacher, una po ay inilalayo ko po ang bata sa 'scene of the crime' or sa environment na nagcause ng tantrum niya. pauupuin or patatayuin kung anong prefered niya at the moment, tyaka hahayaan munang umiyak siya or kumilos habang sinisiguradong safe siya at di siya masasaktan o masasaktan ang sarili niya. kapag nakita kong medyo napagod na or nanahimik na siya tyaka ko siya kakausapin. tatanungin ko kung ready na siya makipag-usap sakin. tatanungin ko siya kung anong nangyari, anong nararamdaman niya, bakit niya naramdaman yun, anong dapat niyang ginawa o anong mas magandang gawin sa situation na yun. habang nangyayari po yun lagi ko lang ina-assure ang student ko na hindi ako galit, makikinig ako at tutulungan ko siya.
itatry ko rin ito sa baby ko kapag mas malaki na siya. 6 months pa lang siya ngayon.
Jay