Random. Medyo mahaba sya, fyi.

Honestly, sobrang nahihirapan na ko dahil sa ECQ tas extended pa. Wala ung asawa ko sa tabi ko dahil inabutan sya ng lockdown sa kanila. Pakiramdam ko di ko ata makakaya na wala sya sa tabi ko kaoag nanganak ako. First baby namin to ang sobra kaming excited na malapit na sya lumabas. Pero nung nagkaron ng lockdown habang papalapit ung paglabas ni baby nalulungkot ako kasi alam ko na hindi sya makakauwi at hindi namin sya makakasama. Kabwanan ko na, and anytime soon lalabas na si baby. Sana makaya ko kahit wala ung daddy niya habang nanganganak ako. Sana mai-normal ko sya para makatulong kami sa daddy niya. Sana hindi kami pabayaan ni Lord habang inilalabas ko siya. At sana, sana matapos na ang problema ng mundo para magkasama sama na ang mga taong nawalay pansamantala sa kanilang mga mahal sa buhay. Please, pray for us. Malalagpasan din natin to. Sa mga katulad ko na hindi kasama ang mga asawa nila during quarantine, kayanin natin. Para sa atin lalo na sa baby natin. God bless everyone ?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

keep on praying, may awa ang Diyos magiging okay din ang lahat. pagsubok lang to 😊