NAKAKAPAGOD PERO TITIISIN

Honestly ginaya ko lang po yung time of test sa isang post sana ayos lang. Dipa po kasi ulit kami nagkakausap ni Dra. Nagtetest po ako before bfast, 1hr after bfast, 1hr after lunch, 1hr after dinner. Kamusta po ang result ko? Yung 167 napakain po ako hotdog sandwich 🥺 white bread. Super diet ko po almost dina ako nagkakanin, alternative ko po is gardenia whole wheat bread. Grabe gutom.. mg/dL result po. Sana may makapansin. Salamat po. Panget sulat ko 😅

NAKAKAPAGOD PERO TITIISIN
7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hello, may gdm din ho aq pero nirecommend Po me ng ob ko sa nutritionist Muna. 350 lng Po pa consult. bale inadvise aq na for 1 month Low sugar diet Muna then gtt ulet after a month. sa biyaya ng Diyos pumasa na ho aq pero in moderation pa rin Ang kain kse sa next month Bago mangank e may gtt ulet. share ko Po ung diet plan na binigay, we need carbs din Po tlga dw since si baby ay nakadependent sa atin e. 6am 1 cup or tasa of rice + 1 egg 9am snacks ex. 2 slices of tasty pwedeng may palaman like peanut butter, cheese, etc. 12noon 1 tasa ng rice + ulam (1 cup veggies and meat) + 1 slice of fruit (example 1 slice manga or 1 medium saging or half of apple) 3pm snacks example 1 skyflakes biscuit 6pm dinner 1 tasa rice + ulam w/ veggies + fruits and of course 8 to 10 glasses of water daily. qng di Po kya ng 6am e pwede nmn pong iadjust ung time Basta konte pero every after 3 hours. nka calcium meds na ho aq kya inalis milk. lahat Po ng kinakain at iniinom ko daily e nkalista.

Đọc thêm
2y trước

ah search nyo Po..nbasa ko lng Po na di advisable iref overnight. then sa mataas Po Ang sugar 1 medium size kamote lng dw Po as per nutritionist bale alternative Po sya sa rice.

Thành viên VIP

Mi ang taas ng before breakfast mo. Then if 1hr after meals dapat di lalagpas ng 140. Diabetic talaga since pre pregnancy pa. Sakin ang limit ko lang sa before breakfast 97. Pag 3days sunod sunod mataas BB dagdag 1 unit ako ng insulin. So far di naman ako lumalagpas ng sunod sunod. Sayo mi puro matataas :( ilang weeks preggy kana? I agree din sa isanv comment here na make sure accurate gamit na glucometer. Reco ng endo ko accucheck and One touch only. Nakakapagod na, ang sakit pa sa bulsa. 920 every wk strip pa lang.

Đọc thêm
2y trước

Nutrionist is okay pero before ka irefer don, better if irefer ka muna nya sa endo. Para maka decide if need mo mag insulin. don't be scared sa insulin mi. Mula umpisa ng pregnancy ko naka insulin nako. Ngayon 2 klase na insulin ko 33wks na din ako and pataas talaga ng pataas sugar. Insulin siguro reason bakit nadevelop ng maayos si bb. Sa 1st pregnancy ko kasi di agad ako nag insulin, ayun di nadevelop ng maayos si baby, nakunan ako non.

kumain ka po pero small frequent meals lang then as much as possible wag masyado sa gabi kc hindi mo sya mabuburn kc matutulog ka. sa pagkain naman magpuntq po kayo sa hospital hanapin nyo po dietician para magpatulong po kayo sa diet regimen nyo po

2y trước

okay po. salamat

sakin momsh half cup brown rice po instead of white sa lunch and dinner. oatmeal for breakfast or whole wheat bread with peanut butter. snack ko po wheat biscuits and yoghurt. more more water din po. by God’s grace normal na po sugar ko.

wag mag heavy meal sa gabi, try mo nag oatmeal or papak ka nalang ng veggies then pag nagutom ka ng hating gabi kain ka ng skyflakes or wheat bread pampawi lang gutom

2y trước

Quaker oats yung sakin tapos low fat milk

Medyo mataas pa po ung before breakfast mo mamsh. GDM din ako now.

please up

2y trước

any suggestions po paano mapababa to 92-95 ang FBS or yung before breakfast kung tama po.. salamat