tiyagaan lang talaga. ako 1 week and 4days na si baby pero parang 2-3hrs a day lang tinutulog ko. naiirita ba rin ako minsan pag walang tigil iyak nya pag nakakapag taas ako ng boses sinasabihan ako ng partner ko tapos maiiyak ako kasi i feel sorry sa baby ko nun nainis ako sakanya. masasanay rin tayo.nakakapagod pero kakayanin para kay baby. di naman nila ginustong mabuo sila in the first place so ayun.
Tyagaan. Kung kailangan mo umiyak, umiyak ka. Ganyan talaga eh. Mahirap po pero isipin mo na lang na kailangan ka ng anak mo ngayon kaya kailangan mo lakasan loob mo para sa kanya. Wala din ako tulog nun at nakaupo pa kung makatulog kasi ayaw magpababa ng baby ko. Nakaadjust at nakahiga lang ako nung naging confident ako magpa side lying breastfeed sa kanya.
gusto ko nga rin po sana mag side lying kay bby, kaso nahihirapan ako hehe medyo maliit kasi boobs ko
nag 1 month si lo ko yesterday and i can relate sa rant mo mommy, nakakapagod at nakakairita talaga gumising lalo na pag masarap tulog sa gabi pero wala naman tayo magawa kasi kailangan nila tayo and we should be there for our babies. mabilis lang ang panahon mommy, tyagaan nalang po and find the best set up na magiging comfy kayong dalawa ni baby
kaya nga mommy
ftm din ako.. nanganak last march 15. ganyan din ako. police kasi si hubby lagi wala.. ako lang at c baby sa bahay.. ayun, last week lang dinala ako hospital over fatigue at depress na pala.. wag ka mag alinlangan mag seek help lalo sa family mo momshie.. malaki matutulong nila lalo malapit lang naman pala sila sa inyo.
awts mas mahirap pala sayo mi, solo nyo lang ni baby, obligado ka mag luto ng foods mo, itutulog o pahinga mo nalang gagalaw kapa.
cheer up mie, isipin mo nalang na di ka nag iisa.. same as me, bangag na talaga at nakakadepress nakakaubos talaga pasensya pero more patience nalang tayo kasi ngayon lang naman yan newborn kasi mejo alwan na tayo pag nadagdagan month nya, wala magandang maidulot kung mangibabaw inis natin ..gagraduate din tyo mie.
kaya nga po hehe pag tyagaan nalang talaga,
gantong ganto sitwasyon ko mommy 20days old na si baby nakakapuyat nakakapagod nakakangawit tapos pag ilalapag mona sa higaan ilang minuto lang iiyak na , kailangan kargahin para tumahan hyst pagod na pagod nako sobrang hirap yung gusto mona mtulog pero dika makatulog 😭
same tayo miee , first time mom lang din po ako , ganan din po baby ko before , laging gising sa gabi ,puyat overload talaga , naiinis na din ako minsan pero tyaga lang po talaga , ngayon po ok ok na , nakakatulog na kame parehas ng mahimbing sa gabi , one month na sya 🙂
kagabi medyo okey naman kasi nakaka idlip idlip ako kasi nag papalapag na sya ,kahit every hour gising kami at dede sya, mas gusto ko ung ganto na every hour dede nya nasta papalapag sya after at diretso tulog kahit saglit ulit hehehe
kung ganon bali every hour po talaga dede ng baby, tas sasabayan pa po ng madalas na pag tae, buti po nakaya nyo hehe ill try harder na intindihin si baby,. salamat po ♥️
gnyan dn ako mii, 3 weeks 3 days c baby ko. pinaka ayoko ung inaantok ako habang dumedede c baby or inaantok ako habang inaantay 30 mins bago xa ihiga sa kama. tiis lang talaga
sa umaga po pagpatak ng 6am tulog na xa tska after paarawan drecho na yun mag dede lang xa. tpos kakain nko shower aayos gamit after 1-2 hrs gising na baby para sa milk nya. breastfeeding din po ako mii. hindi ako makatulog sa umaga tapos pag dating na sa gabi dun po sya gising. khit ihele at after nya magmilk mababaw lang tulog nya. pagtpos ng 20mins-30mins na iuupright position ko sya sabay kakagat nnaman sa dede ko. wala ako maadvice mii super antok dn ako sa gabi. kumakain nalang ako para mejo magkaron ng lakas. tnry ko ung side lying kaso naglulungad c baby ko sa overfed nya
Iris Cruz