Magsasalita din yan mi. Need mo lang lagi kausapin, wag mag baby talk. Pag may ituturo ko sa kanya na salita, lumevel ka sa kanya at ipakita mo kung pano ung galaw ng bibig mo pag binigkas mo ung salita.. Sa 1st born ko, napa therapy pa nga namin kasi wala talaga kami naririnig sa kanya, naka 9 sessions din kami, nung nakitaan namin progress kami na nga continue ng pagtuturo 😅 mistake kasi nmin nung baby pa sya babad sya sa laptop kakanood dahil both working kami ng husband ko nung time na un. Ngayon 4yrs.old na sya, sobrang daldal na 🤭 Nood ka din songs for littles by ms rachel.. Ganun na ganun din kasi ung way ng pagtuturo sa kanya nung pina therapy namin sya.