Hello. Maririnig mo ito kahit saan kasi ito talaga yun eh, COMMUNICATION.
You have to learn how to communicate your feelings and thoughts kay husband mo.
Baka need mo pala ng help sa pagaalaga sa anak mo dahil pagod na pagod ka na at wala kang tulog dahil ebf ka pa, pero hindi mo sinasabi nage-expect ka lang na tulungan ka niya, which is hindi niya ginagawa kasi wala siyang idea na pagod ka na pala, kaya ending nagagalit ka na lang sa mister mo, at dahil hindi mo rin masabi yung nararamdaman mo hindi na kayo nag uusap kaya ang nangyayari nauuwi sa resentment yung bottled feelings niyo.
Men ang clueless. Most of the time alam nila na galit ka pero hindi nila alam kung bakit.
Kahit sa husband ko ganon din, alam niya galit ako kapag tinatanong ko siya kung alam niya bakit, natatawa na lang ako sa answer at facial expression niya kasi ang clueless niya.
Kaya dapat magkaroon kayo ng heart to heart convo ng husband mo. Heart to heart, walang pride.
Dumaan din kami sa ganyan pero, COMMUNICATION is the key talaga, pagusapan ang problema at hanapan ng solution.