Magtatanong lang po ako.

Hindi ako first time mom. Pero kasi nakalimutan ko na kung naramdaman ko na ito sa nauna kong tatlong anak, turning 6years old yung pangatlo ko. Pag humihiga ako ng left side ng medyo matagal tapos titihaya ako kapag hinahawakan ko yung puson ko may umbok na matigas sa left side lang ng puson. Kapag tatayo ako para mag wiwi mawawala din naman sya. 8 weeks and 1 day pregnant daw ako base sa bilang ng midwife sa center namin. Dati naranasan ko ito nuong nag expect akong buntis ako dahil 1 week akong na delay tapos nung nagpa ultrasound ako nuon ay walang nakitang bata sa loob. Pinayuhan ako magpa pelvic ultrasound pero hindi ko pa sya balak gawin ngayon, balak ko sya ipagawa sa feb 23 kasi sa feb 24 pa ang check up ko ulit sa center. Baby ba yung naumbok na matigas sa left side puson? Meron bang nakaranas ng ganito bukod sa akin?

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời