sa binyag/birthday ng baby ko, ito ang checklist:
1. simbahan
2. kandila
3. damit ni baby
4. invitation (hindi na kami nagpaprint, soft copy na lang at send sa chats dahil may mga invitees kami from malayong lugar)
5. venue
1st born-jollibee (sila na bahala sa lahat. pupunta na lang kau, ready na lahat. may aircon pa.)
pwedeng magrent lang kau ng venue. hindi naman kasama ang food dun.
2nd born-event hall sa resort (walang magdedecor, wala pang food, no tables and chairs)
6. food
1st born-jollibee
2nd born-catering
ang maganda sa catering ay wala na kaung aasikasuhin. hindi na kau maglilinis. kanila na ang tables and chairs.
7. souvenirs
8. event stylist (optional kung gusto niong maganda ang venue)
9. host/clown (optional. para sa mga games at program. mura ang clown. may magic na rin sila)
9. photographer (optional kung may assigned kaung photographer na family member)
10. cake
11. game prizes
pinakaconvenient ay sa restaurant like jollibee.
jollibee ay may murang package (may murang menu, mascot, host, cake, souvenirs, game prizes)
sa jollibee, nasa 290 per head ang food. may mas mura pa naman dun na menu.
sa catering, 350 per head.
pero kung ok sa inyo na kau ang magluto, ok din. ensure nio lang na ung venue ay may tables and chairs. dahil hindi pa kasama based sa experience namin.
para may idea kau sa jollibee birthday package.
https://www.smartparenting.com.ph/celebrations/party-planning/your-ultimate-guide-to-jollibee-party-2023-a2233-20230827
Đọc thêm