Hospital Bag
Heto nasa hospital bag ni baby Receiving Clothes 3 extra clothes (in set) Lampin and Bigkis Going home outfit Baby towel and swaddle blanket Hygiene(bath and shampoo, baby oil, buds, cotton, wipes, alcohol, diaper) Naglabel na din ako para kahit sino maghalukay eh makikita. Kung my kulang pa, please suggest below
Ung bigkis di mo naman magagamit sa hospital kasi ibabawal yan. Kaya di ko na dinala. Napkin and Diaper for you na lang saka fem wash.
kainggit naman.. sana all nakapag ready na.. ako san27 na due date pero wala pa nabibili kahit isa hays . (financial issues) ☹️
Bigkis hindi gagitin yan pag sa hospital. Ayaw nila pagamit kasi daw para mamonitor yung paghinga ni baby kung okay.
Very helpful and organize mamsh😊 thanks for sharing lalo sa mga first timer mommy here😉 Have a healthy babyyyyyy❤
Pareho tayo nakaziplock at label din. Haha. Gusto ko kasi organized kasi yung asawa ko baka halungkat lang ng halungkat.
Wag na po bigkis. Hindi na po kasi pinapagamit yan sa hospital or kahit ng ob. Sa bahay niyo nalang po gamitin.
Wag ka magdala ng bigkis sa ospital magagalit sila..pero maganda yan pra isang abot nalang sa doctor pag hiningi
Gamit mo po, like maternity napkin, adult diaper, or underpads, undies, feminine wash, clothes, towel, etc.
Okay na yan for baby sis. Extra clothes nalang for you, adult diaper/maternity pads, and pang hygiene mo.
Ang galing 😊😊 nagkaron po ako ng idea thank you mga mommy! FTM here 💗 Team january 😊😊