25 Các câu trả lời
Hi mommy! Ganyan po talaga, after mo manganak dun ka lang po magkakagatas, ipadede mo lang po kay baby kahit feeling mo walang lumalabas. Wag ka po muna mag bote, ako before that was the biggest mistake I did. Di ko po kase alam and I am not aware na kuntento na si baby sa gatas ko kahit konti lang kase maliit pa bituka nila, laging may sakit baby ko before 1-2 mos. Then nag decide akong ipadede ng ipadede yung sakin kahit iyak sya ng iyak. Don't worry mommy magkakagatas at magkakagatas ka, drink a lot of water, take healthy foods and fruits and malunggay will really help to improve your breastmilk. Ngayon 3 mos. Na baby ko mix feed padin sya pero much better na sya compare before.
I have breastmilk since mg 4 mos pregnant ako ganun din sa mga previous pregnancy ko. I drink a lot of liquid and pag nagluluto ako ng ulam na may sabaw nilalagyan ko madameng malunggay lang habang pregnant kusa sya nagleleak kahit maliit lang ang boobs ko lalaki lang sya paglabas ni baby. Don't worry mamsh basta ipadede mo lang ng ipadede paglabas nya pra matrigger na magproduce ng milk breast mo then drink lots of liquid and eat malunggay and take supplements. Tyagaan mo lang magkakaron yan... :)
pag nanganak ka po momsh , ipasipsip mo lang kay baby ung niples mo , kase prang may nakabara pa po jan eh , lalo na pag 1st time mom.. tapos po inom ka po ng malunggay .. khit timplahan mo po para masarap sarap , ayun na po ung gawin mong tubig .. effective po un kase gnun po ginawa ng mama ko nung nangank po ako nung oct 8 wala po tlga akong gatas pero after ko uminom nun kahit papano nakadede na sakin si baby sa ospital.
Antay mo lang lumabas si baby, minsan 3-5 days after manganak palang yung tutulo talaga gatas mo. Si baby rin masstimulate ng paglabas nun. Kahit gano kadaming malunggay at sabaw itake mo kung hindi maglalatch si baby bale wala.
ipadede ng ipadede kay baby para ma-signal ang katawan mo to produce milk. wag ka muna mag bote kasi kailangan parating nakasuso ang baby para dumami ang gatas.
mag kakagatas ka din sis ganyan din ako nung naka panganak na ako nag kagatas na ung dede 3 months na cia basta eat ka lang healthy 😊
Ako din po, 33 weeks na preggy. After naman manganak sabi magkakaron na. Always think na magkakagatas tayo mommy. Tiwala lang. 🥰🙌🏼
Actually ganyan din ako akala ko di ako magkaka gatas, piniga ng nurse yung dede ko tas ilang araw lang nagka gatas ako ang lakas pa
Ako din sis, sabi nila after manganak daw nagkakagatas. Pag dasal natin ang golden fluid natin na yan para kay baby 🙏🙏🙏
Oks lang yan,,si misis din ganyan,,kapag d pari lumabas after delivery may bbgay naman na gamot si doc para lumabas
Alwintracy Lacson