Depression
Helo po, natural ba na madepress after manganak? Anu ba dpt gawin para malabanan? Slmt po.
Yes po. Postpartum depression is real. Pero hopefully, postpartum blues lang yung nararamdaman mo. Magkaiba raw kasi yun. Yung postpartum blues, parang nalulungkot ka lang dahil naninibago sa baby at sa bagong lifestyle. Pero mabilis lang mawala kapag naka-adapt ka na sa changes. Yung postpartum depression, matinding kalungkutan siya. Na minsan umaabot sa punto na naiisip mo na sana wala ka na lang anak o sana mawala na lang si baby. When it comes to this, suggested na makipag-usap ka sa hubby mo to ask for emotional support. Sabihin mo sa kaniya na maging understanding lalo, at na sabihan ka ng positive thoughts kapag nakakapag-isip ka ng sobrang negative thoughts. Magpatulong ka rin sa mga nakakapagod na physical tasks (kahit sa simpleng gawaing bahay). Need din kasi ng katawan natin na magpahinga para maka-recover agad. Mas matindi ang tama ng postpartum depression kung lagi kang pagod physically. Then, if all of these fails, na kahit full support ang mga nasa paligid mo pero nade-depress ka pa rin. Book an appointment sa therapist or kahit sa OB mo to seek for professional help. (Speaking for myself na nakakaranas ng postpartum depression) Mahal na mahal ko si baby ko. Pero minsan naiisip ko na sana wala na lang siya or mawala na lang ako. Pero laban lang! Kaya natin 'to mi!
Đọc thêmay yes halos 3 weeks akong na depressed non para akong mababaliw pero nawala din yon dahil sa supporta ni hubby at think positive talaga lagi para malabanan yung ganyan
ty mi.
Preggers