For my baby
Hello mga mamshi! Magtatanong lang sana ako if pwede na painumin nang tubig si baby 3days old. Thankyou! ❤
BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!... PLS read. The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible. http://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/ http://www.who.int/nutrition/topics/infantfeeding_recommendation/en/ http://www.who.int/features/qa/21/en/ http://www.babycenter.com/404_when-can-babies-drink-water_1… http://www.britishbottledwater.org/children-and-babies.asp facts about hyponatremia http://parentingpatch.com/preventing-hyponatremia-or-water-intoxication-never-give-a-baby-extra-water/ Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse - https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4027093/ #Spreadeverylearning #WHO
Đọc thêmBawal po,kc mapupunta sa baga nya yan!hanggat maari dw po ung pag kumakain na xa ng solid pwede na,anak ko kc panganay dati wala ako alam na ngitim xa tas kala ko wala na sugod kami sa dr pinagalitan ako breastfeed ko langbdw ayus na ung bata d namn dw nakakaramdam ng uhaw,kso nag ka pulomo brongco xa
Đọc thêmAnak ko nman pnpainom ko nun mula newborn wala nman ngyareng ganyan 😅
Not until your baby turns 6 months mommy. Enough na ang water from breastmilk or water na kasama ng formula milk. Prone ang infants below 6 months to water intoxication which can be deadly.
If too much water maybe, but just giving an ml after formula milk i think is not harmful.
PWEDO PO MAGBIGAY!!! Wag lang too much. Pwedeng sip after nya mag milk not harmful. Hnd m nman sya bbgyan ng isang buong bote eh. Pedia po nagsbe nyan! Nakakaloka ang mga NOoooo
Ung anak ko formula milk pa sya nun pagkapanganak pnpasip ko ng water after magdede. Ngayon 6 yrs old n sya ok nman sya. Hnd ko dn alam bkt pnagbabawal sya. Pedia nagadvice nun
Kaya nga kung maka NO ang iba kala m nman totoong d npainom anak nla nung baby. Tyka majority pa sa mga nag NO moms to be palang 😅 e ako based on my experience d nman npunta sa baga ng anak ko kht pnapainom ko sya water nun kc formula. Masyado matigas poops nya nun kaya need tlga water 👍
Kung breastfeed no need to give water, if bottlefeed hindi din need kasi yung kidney nla hindi pa msydo develop hindi pa kaya ng too much liquid, mahirpn kidney ng baby
Totoo po ba yan? Bkt anak ko healthy malaki n sya ngayon nung baby sya bnbgyan ko sya water
Wag Momsh pure milk .. Di pa kaya ni Baby yng water Hi Momsh paistorbo lang po saglit 😄 palike naman po ng 3recent photos ko salamat Godbless! 💙❤️
Đọc thêmHindi pa po. Enough na po yung breastmilk or formula milk kay baby. Nkakamatay po yung pagpapainom ng tubig sabi ng pedia ng baby ko. 😊
No not yet according to my babys pedia dapat 6mos pa sya painumin