Nakakalungkot
Hay bakit kaya ganun nag pa ultra sound na ako para sana makita yung gender ng Baby ko.. kaso hindi siya nag pakita, sabi naka dapa o nakatalikod daw kaya di nakita yung gender.. nalulungkot tuloy ako :(
Ganyan din baby ko ginising pa ng doctor para pakita gender niya natagalan konti pero nagpakita naman. Titingnan na sana mukha niya kaso tumalikod gusto niya surprise. Baby girl siya 6 months na
Same tayo sis . 22 weeks ako nag paultrasound . Pero di nakita gender nya . Nakatuwad kase sya nung time na yun . Nakakalungkot pero okay lang yun basta healthy si baby
ganyan din sakin nun 8months na ng nagpakita, pag matagal daw makita mostly babae pag boy daw kasi mabilis daw makita sa ultrasound.. sabi lang ng ob ko nun.. 😂
Okay lang yan mommy mas mahalaga po ang health niya. Alam ko nakakaexcite din malaman but don't worry malalaman mo din yoon. Basta healthy lang si baby
Ganyan din ako mamsh nakita ko nung 6 months na po pero salamat po sa diyos at dining niya ang panalangin namin na maging babae po.
Ganyan po talaga minsan. si baby bahala kung kelan nya ipakita gender nya. Hehe. Ang mahalaga healthy and growing well si baby
ganyan din yung akin dati 8 months pa bago nakita.. hirap na hirap pa yung doctor pina tagilid pa ako pra makita niya gender
Ganyan din sakin 2x na ultrasound di magpakita yung gender, during Congenital Anomaly Scan lang nakita yung gender ni baby.
Nung ako naman po pinilit talaga makita yung gender ni baby. Pero kung di naman po makita pwede bumalik para makita.
Ako naman momsh, bago ako Nagpaultrasound kinausap ko muna si baby then yun Nakita agad. It's a baby boy again. 😍