Sa health center po ba kayo ngpapabakuna?
We havent tried na mag-avail vaccine sa health center. Curious lang po what is the process nowadays? Aside sa pila madali lang ba?
Maliban po sa city mommy babz..Sa pasig po kami kasi now nagsstay ngtried ako once magpabakuna sa kanila laging delay yung gamot wala daw po stocks..Kaya binabyahe ko talaga sa Makati baby ko dun well organized lahat from the health center staff hanggang sa mga doctor nila.Saka may limit na ngaun kung dati can Accomodate 50 pax ngaun ginawa nilang half lang para sa safetiness ng lahat...
Đọc thêmDito samin, may tinatawag ang BHC na Baby Day - every Thursday of the week yun. Walang ibang aasikasuhin dun kundi mommies and babies para sa bakuna. So wala din masyadong tao, it will hardly take an hour dito and Thank God na kumpleto naman ang stock ng vaccine nila.So naka graduate ang baby ko sa mga vaccines niya na walang nalaktawan.
Đọc thêmWell sakin sa center lang po ako nagpa vaccine ng tt 2 times po tsaka free lang din. Madali lang naman po kase hindi namn kami aabot ng 10 na preggy every vaccination kase isasabay lang din naman sa vaccination ng mga baby😊 tsaka namimigay din cla ng vitamins every prenatal.
Yes po .madali lang naman ang process ng pagpaoabakuna sa health center. may schedule naman kasi kung kelan dapat pumunta and maganda din kasi nireremind pa kami ng Health worker kung may vaccination or wala. or kung available yung gamot na ibabakuna sa kids namin.
Sa health center kami nagpapa vaccine. For me it’s practical. May mga vaccines lang na hindi available sa health center pero pwede mo naman ipa bakuna yun sa pedia ni lo kung may budget ka. Just bring your baby’s hospital record nung pinanganak sya.
Health Center and Pedia. Even if pandemic, basta we follow safety protocols naman. Tsaka po sa health center samin, usually kami nauuna kaya we don't worry much. Also, dun tayo sa practical lang dahil mas maka save din kahit papano
Sa health center din po kami nagpapa vaccine, madali lang po basta maaga ka pupunta para hindi ka na pumila ng mahaba. Lage naman po silang may stocks para sa mga na ka schedule.
Okay naman Mommy, precovid talagang mataas yung pila. If umaasa lang talaga sa libre need mo tiisin yung init at tsaka pagod for your baby.
sa pedia po si baby ko . ipon lang talaga para ma avail sa private ..much safer for me because of the pandemic 😊😊
yes po. madalas din na nagbabahay-bahay ang mga taga-health center namin para magbigay ng bakuna sa mga kids.