We have 3 kids, full time mom at the same time wfh. Every time na nag oopen ako kay hubby about sa pag bibigay nya sa ate nya madalas kaming mag ayaw lalo na kapag kumakaen kami sa labas at may pa take out pa para sa asawa ng ate nya na mag hapon lang na nasa bahay at nakahiga at minsan mas mahal pa ang food na take ng para sa asawa ng ate nya kesa sa price na pagkaen ng mga anak ko. Ok lang naman sakin na magbigay sya sa ate nya pero wag naman sobra sobra na halos Pati pamasahe at pagkaen sa duty e halos sagot na ng asawa ko lalo na pag magka duty sila. Kaya sinabihan ko mister ko na mag laan na kami ng allowance para sa ate nya kesa masira ang budget namin at laging mamoblema sa pera. At kadalasan mas sinusunod nya ate nya lalo na nung nanganak ako sa bunso namin.. Kaya minsan iniisip ko na baka ako na ang sumusobra at feeling ko need ko ng magpa check up sa psychology / sa psych specialist.