Paglilihi
Hanggang kelan po tinagal ng paglilihi nyo?
Ang sakripisyo talaga nating mga nanay ay di matatawaran,cmula pagbubuntis Hanggang panganganak,this is my 3rd baby pero Dito talaga aq nahirapan,Hindi aq nasusuka sa umaga pagdating ng hapon Hanggang Gabi Yan n Jan n aq susuka ng susuka,sobrang hirap,talagang struggle,ni Hindi aq nakain o nainom,kung ano lang maibigan,na never ko naranasan sa 2 daughter ko(kaya hoping na sana boy n ☺️),maselan dn aq magbuntis noon ultimong sa Amoy pero parang mas matindi ngaun,hayst sana makaraos na taung lahat sobrang hirap, pakiramdam ko talaga nabawasan timbang ko 🥹 natatakot dn para Kay baby kc baka Wala syang nutrients at Hindi nga aq makain🤦
Đọc thêm2 months pregnant po Ako Sobrang hirap na hirap po Ako pang 2nd babY ko na po ito. 10 years old na po yung panganay ko. Hanggang kailan poba nawawala yung pag Lilihi ng buntis hirap na hirap na talaga Ako. Nag pa check up Ako nung 8 ultrasound po Ako actually buong buo napo siya may paa na po. Hanggang ngayon po hirap na hirap talaga Ako sinasabi ko sa familya ko ayoko na hindi kona kaya. Kasi pag sumusuka ako may kasamang dugo 🥺
Đọc thêmSakin po 1 month na akong naglilihi.. super struggle paglilihi ko ngayon. Napaka sensitive ng pang amoy ko, kapag may naamoy akong hindi kaaya aya sumasakit ulo ko, nahihilo ako at nasusuka na. Halos lahat na lang ng maamoy ko hindi bet ng ilong ko. Grabe. Kaya palaging masakit ulo ko ngayon. 😔
Sakin nag start sya around 2 months.. hanggang ngayon. nabigla lang ako sa adjustments halos nawala gana ko sa pagkain at hirap talaga hindi ako madalas nakakaranas morning sickness o pagsusuka.. sa pagkain talaga ako namomoblema, laki na binawas ko sa timbang kasi ayoko kumain ng kanin 😭
Hala. Sakin kaya? turning 8weeks tapos everyday suka. Diko gusto mga pagkain. Medyo nkakapanibago kasi nung di pako buntis wala akong pinipiling pagkain, ngayon grabe. amoy plng, ayaw ko na. Hanggang kailan kaya to?😭 worried lng ako kc baka mapili si baby sa pagkain paglabas niya.
ako din 13 weeks na tiyan ko .. lahat ng pagkain ayuko .. lalo na sa rice kaya ang laki nabawas sa timbang ko.. halos maiyak na ko .. sensitive din pang amoy ko ..normal lang kaya ito ?
depende po sa nagbubuntis iba-iba po. 10 weeks po but as of now wala po akong kini-crave, wala ding pagsusuka, walang ayaw na amoy since nung nagpreggy po hehe and praying na tuloy-tuloy po until sa delivery huwag din mahirapan. :)
Mag 3months na po akong preggy, pero hanggang ngaun maselan ako mag lihi. Basta may naamoy akong di ko nagustuhan matic masusuka ko. Pag feeling bloated ako, masusuka ko. Sa isang araw, mababa na ung tatlong beses na pagsusuka.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-139850)
13 weeks na akong buntis at mas lumala ang pag ayaw ko sa mga amoy, ramdam na nasusuka o naduduwal, mas nawalan ng gana sa mga kinakain. worried ako baka mawalan ng sustansya ung baby ko.
sakin po kasi 1st trim ko hindi ako maselan parang d rin nga ako naglilihi e ngayong 2nd trimester na dun ako sinumpong sobrang selan ko pa. normal kaya po yun?