Sensitive

Hanggang kelan kaya magiging ganito ka sensitive pang amoy ko? Going to 11th week na ( not sure di pa nakapag pa check up) sobrang selan ng ilong ko. Ayaw ko ng amoy ng yakisoba, inin na kanin at lalo na pritong isda. Minsan wala din gana kumain pinipilit ko na lang para kay baby. Sa 1st at 2nd pregnancy ko di naman ganito. ?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yes, mommy! Iba iba talaga ang pregnancy sabi ni OB ko. 'Nung ako po ay buntis, ayoko ng amoy ng bawang na ginigisa at 'yung loob ng sasakyan namin. Dati naman gustong gusto ko 'yung mga amoy nun. Sa'kin po ay tumagal hanggang 4 months ang pagiging maselan.