Naniniwala ba kayo sa aswang?

Halos araw araw kasi on specific time nagigising ako. 2am. Tapos may naririnig akong mga yapak at parang crumpled paper. Minsan kinikilabotan na lang ako bigla. Wala pati akong kasama sa room. Tanging mga walis tinting, rosary, red na pangontra, asin, bawang ang meron lang ako. Naexperience nyo na ba ang mga kababalaghang eto habang nabubuntis kayo? Anong mga ginawa nyo? #aswang #scary #horrorstory #pregnancy #pregnancyjourney

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mommy til now di pa rin tayo sigurado kung totoo nga mga aswang but ang masasabi ko lang mag ingat ka palagi mas maganda sana kung may kasama ka.. May na experience ako din nung first tri ako nakakagulat kasi bigla nalang may lumapit na malaking creature na lumilipad parang nagdive pumagaspas pa yung wings pero bigla nalang nawala mga 10pm yun di din masyado nakita itsura kasi mabilisan lang tos bigla nwala.. Taga province kasi kami at malapit sa bukid.. Resthouse kasi eto tinitirhan ko malalayo kapitbahay. After ngyari yun lagi na din ko may mga pangontra

Đọc thêm
3y trước

Mommy ang ginawa ko lang sinunod ko sabi nila maglagay ng red ribbon sa bewang hahaha literal na ribbon ng redribbon cake ang nilagay ko😆 tapos nagsusuot ako ng itim, may rosary, dapat daw may katabing asin tos yung iba isaboy sa bintana, bawang at gunting or kahit anong matalim na bagay.. Ginawa ko nalang kahit mukha akong mag aadobo😆😅 mahirap maniwala pero kasi nakaranas ako kaya mas ok sumunod nalang sa mga pangontra.. Ingat ka po mommy😊 lagi ka mag pray