ANY TIPS TO GET A ONE YEAR OLD BABY TO SLEEP
We had a bedtime routine pero ngayon it’s just all over the place simula nung nag 1yo sya. Tire her out they say, but she just won’t go to sleep! The first instance na makita ko nagkakamot na sya ng mata or first hikab, niyayakap ko na sya at nilalagay sa higaan pero no, piglas sya and gusto pa nya maglaro kahit it’s almost midnight. Mind you nakaka nap naman sya 1-2 times a day, panay lakad din sa umaga. Nakakakain din. Talagang ayaw nya lang talaga matulog hahahahaha. Patay na lahat ng ilaw sa kwarto. Nakahiga na kaming lahat. Pinapatulog ko na, like tinatapik ko na din havang kumakanta pa ko, ayaw nya pa rin talaga! Hahahaha. Minsan kahit kakatulog lang nya, magigising nalang sya in the middle of the night at tatayo habang nagsasalita nang kung anu ano. Nakakatuwa pero hindi ko na kayang sabayan yung ganun since I have a work sa umaga. Lahat ba nagdadaan talaga sa ganito? Fighter ng anak ko e. Fighter ng antok. 😂