MIL RANTS

Hi guys, nakikitira ba kayo sa MIL nyo? Ano feeling now na may baby kayo? Madalas ba na sila ang nasusunod? And minsan kinukuha pa si baby sainyo? Sakanila tinatabi matulog? Wfh kasi ako, so sakanila ng 5 days and weekends sakin. Pero may time na kinukuha nila dun papatulugin. Then minsan gusto ko paliguan, pero ayaw nya baka daw kasi di ko mahawakan ng maayos, anyway turning 6 months na ang baby ko. Tapos sa pagpapakain, sya din ang nasusunod kung ano dapat ipakain. Tapos gusto ko sana i continue breastfeed ko. Di ko kasi natuloy, 1 month lang. Konti lang gatas ko tapos kapag pinapadede ko si baby nun umiiyak kasi konti nasisipsio so may back up formula. Pag umiiyak si baby nagpaparinig na sya na i formula daw nalang, tapos kahit kakalabas palang ni baby kinukuha na nya dun papatulugin sa kwarto nya kaya di ko naasikaso magpadede. Kasi nakakainis diba pano ka makakapag focus kung may nakabantay sainyo, bawat iyak sya daw ang hinahanap. Di ko nga alam kung normal pa yung ganun sa mga MIL. Unang apo kasi, kakalabas palang namin ng hospital nun sya agad ang katabi baka mabinat daw ako. Nung una naiintindihan ko pa, normal delivery din ako kaya mabilis ako naka recover. Sorry kung mahaba post ko, pero di ko sya nagegets talaga. Sobrang attached nya sa baby ko hanggang ngayon. Mommy pa ang gusto itawag sakanya. 2 days na nga lang yung full attention ko sakanya kukunin pa. Ganun din yung kapatid ng husband ko. Sobrang attached nila lahat. Minsan wala na din sa lugar, pati sa gatas na ibibigay sila namimili. Kukuha sana kami bahay ni hubby kaso nasabayan naman na may covid kaya di maasikaso. Ang hirap kumilos, minsan di ko na mahawakan baby ko. Bawal ang maling kilos kasi may masasabi sila. Naiinis pa ko kasi pinapahawakan nya sa kapitbahay namin baby ko, tapos minsan kinikiss pa sa cheeks. Diba??? Sino hindi maiinis nun. So sinabihan ko mama nya na wag ipapahalik kahit kanino, di sya kumibo. Parang nainis pa kasi pinagsasabihan ko sya. Tapos pinapalawayan pa kasi daw nababati. Jusko. Di ko na alam. Gusto ko na makaalis dito.

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hello mommy, cgro instead of complaining mas mgnda mag isip knlng ng positive sa gngwa ng MIL and sis in law mo... first, nasa poder kau ng MIL mo sympre sya tlg masusunod kng ayw mo bumukod kau.. second, I understand u na ftm ka tpos c MIL mo prang gnawa nya na anak un baby mo pero on a brighter side atleast ndi ka nhhirapan dhl may katu katulong ka sa pag aalaga sa baby mo, may ibang mommies sa TAP nahihirapan dhl wla sila ksma sa bhy all around tlg sila.. mag alaga ng baby, mag linis, mag luto, maglaba.. lalo na sa first born yn un very challenging stage ng pag aalaga ksi un tulog mo ndi kumpleto dhl every 2 hours gising ng baby, at mhrap pa pag nagkasakit... be happy nlng atleast tinutulungan ka.. lambingin mo nlng ng pabiro c MIL mo na hhramin mo mna ng buong araw c baby pra kaw nmn mag alaga...

Đọc thêm
4y trước

yun nalang talaga iniisip ko. kahit papano may nagaalaga sa baby ko.

ganyan din ako sa mil ko nung una, imbes na yung blanket ni baby ang pinapakumot niya duster niya ang ipangkukumot niya tapos pag umiiyak si baby siya daw hinahnap kasi nsanay daw sa amoy ng duster niya, haha tsaka feeling ko inaagaw na nila sakin ang anak ko.. kasi pagka galing ko sa work khit kunin ko anak ko di nila ibibigay sakin.. eh nung ramdam ko na sobra na.. lumayas na ko.. since alam ko na hindi kami kaya buhayin lang LIP ko that time.. iniwan ko din siya ksama ng pamilya niya.. since msama din nmn ugali niya.. kaya ayun habol sila ng habol sa anak ko, ako nmn yung nagdadamot sa knila.

Đọc thêm

nakakainis man icpin mo nlng na mas maswerte kapa rin compare sa ibang 1st time mom na prng wlang pakelam sakanila ung MIL nila kht pa sa baby intindihin muna lng na cla dhil cguro nsabik lng na mron baby sa familya kausapin muna lng ng maayos na bka pede kpag kpag anjan ka ih sau lng muna c baby at mag bigay kapa dn ng limit kht pa mil mo xah d naman porket nakatira ka sakanila they all have the right way for the baby

Đọc thêm
4y trước

iba ugali nya sis. di mo sya mapapakiusapan.

Ang OA ni MIL mo!! You have ALL the right sa baby mo. Before anyone else dapat ikaw ang may say kasi baby mo yun. The more na hinahayaan mo sila the more na itutuloy nila ang ginagawa nila kaya as early as now speak up or kahit sa hubby mo sabihin. Kasi kakalakihan na yan ng baby mo mamaya nyan mas close pa aa kanila kesa sayo. Hope things get well with you momshie 🙏😘

Đọc thêm
4y trước

aawww I feel for you. Tho hindi ko naman naranasan yung ganan ka grabeh maki alam na MIL I know the feeling na may ibang gusto magdecide for my baby. I hope maging ok ang lahat. I guess the best solution is bumukod kayo ni hubby. It's really extra challenge to be on your own pero it's for the best. Haist 😥sending virtual hugs and load of prayers. 🙏

hehe yung mama ko rin nung una ganyan, kaya lang syempre mama ko yun tsaka cs kasi ako kaya sobrang thankful na willing sya alagaan si lo, yun nga lang minsan sobra na parang may times na pinapamukha sakin na di ko kayang magalaga ng anak ko na parang sya lang hinahanap yung mga ganung eksena haha

4y trước

oo ganun nga. nung kakapanganak ko lang di ko ma breastfeed ng maayos kasi lagi kinukuha. sya daw ang hinahanap.

Nakakadiri naman yung pinapalawayan, kung ikaw nga mismong magulang dmo pa magawang halikan sa bibig kasi di talaga ok e tas yung palawayan sa iba? Grabe talaga, kung ako yan magsasalita na talaga ako pwede naman magsalita na hindi maging bastos, lalo na kung anak na ang may kapakanan.

4y trước

oo nga, nagsabi na din ako about jan. makaluma kasi masyado naniniwala sa mga ganun ganun.

Mawalang galang na po, Haha sakin di uubra yan bahala siya magtampo no, anak ko yun e. Bat parang siya pa yung nanay? Yun nga yung intimate bonding niyo mag ina yung Breastfeeding session niyo saka bedtime inaangkin niya pa. Mag anak kamo siya par di siya nang aangkin nakaka inis ha.

4y trước

yun nga sis, kaya ako nagtatanong kung normal ba na ganyan lahat ng Mil. kahit wala akong work kinukuha pa din nila sakanila tinatabi. 2 days na nga lang yung time ko sakanya aagawin pa. sobrang attached nila. parang di nila kaya na hindi mahawakan anak ko kahit ilang oras lang.

Like I always say, best talaga ang bumukod. Di ka talaga makakaporma jan ng ikaw ang masusunod kasi nakikitira ka lang, so to speak. Or kung hindi niyo pa kaya, dun kayo sa parents mo. At least sa magulang mo hindi ka mahihiyang magsaway/magsabi.

4y trước

yun nga sis, nasabayan kami ng covid. bawal pa ibyahe si baby.

feeling ko magiging ganyan din yung mil ko. ngayon pa nga lang di pa lumalabas sobrang pakielamera na e. pero sorry sya anak ko yon. magalit na sya saken kung magalit. ako masusunod sa anak ko 😊

4y trước

magkasama ba kayo sa bahay ng mil mo? hirap kasi mag salita nakikitira lang kami haha. pero naghahanap naman na kami ng mga rent to own para makaalis na din. hirap ng ganito eh.

Thành viên VIP

nakastay kmi kina mil pero d nmn sila sobra nangengealam.. d mo maiiwasan talaga n dumamoves sila, d ka makakagalaw ng maayos kasi sympre nakikistay lang kayo.

4y trước

naiintindihan ko naman kasi unang apo pero minsan iba na talaga haha.