Vaccines
Hi guys may mga mommy po ba dito na hindi kumpleto ang vaccines ng baby. Okay lang po ba ang anak niyo? Anti vaccines kasi asawa ko kaya pili lang ang vaccine ni baby.
Hi Mommy! may mga namiss kami but we are working on it. I suggest you try to talk it out with your husband kasi napaka importante talaga ng vaccine sa kids natin. It is always better to prevent a disease than to treat it after it occurs.
Ako po pinanganak na walang bakuna. Kaming magkakapatid actually. Lumaking walang tinurok sa akin. Same both parents ko, anti-vaccines dahil sa faith nila. At hindi naman kami nagkaroon ng malalang sakitm hanggang lagnat at sipon lang :)
Maraming pwde mgyri sa bata kung di complete ang vaccine,para s knya un makaiwas like sa, polio, Hepa, vaccine is very important, kilangan mapaliwanagan asawa mo isama sya sa pedia ng anak mo or khit sa Center nio.
Mas mainam na kumpleto sa bakuna ang ating mga anak... lalo na sa unang 1000 Araw matapos nya ipanganak. Tandaan, nagsisilbing proteksyon ang mga bakuna laban sa mga pinaka-nakakahawa at nakamamatay na mga sakit.
For me mommy, its more important to complete my child’s vaccination. Not only it gives me peace of mind (especially sa panahon ngayon), it protects my kids and other kids as well from getting sick ☺️
Kumpleto sa bakuna si baby. Baka mas ok pag sinama mo si hubby sa pedia para masagot mga tanong nia or maexplain mabute. Panlaban ng baby yang mga bakuna kontra sa mga sakit e
Hi momma. I think it is best to have a conversation regarding this. Importante ang vaccines hindi lang para sa mga anak natin pero Pati narin sa community.
anti vaccine ka din po mommy? kung hindi, you and your husband should talk about it, voice out your opinion. mas mabuting kumpleto ang bakuna ni baby.
Alam mo momsh mas maganda kung kumpleto ang vaccines ni baby. Sabi nga ng pedia ng anak ko, kunin naman lahat ng vaccines na meron sa health center.
hello ma. ask your Pedia kung anu pa yung pwede i catch up ni baby mo. sana mapapayag mo si hubby mo. Important din kasi na ma vaccine si baby