Mixed Emotions

Hi guys, I just wanna share my experience. I have a chronic hypertension before pregnancy, meaning highblood na ko bago mabuntis. Nung Sept. 2018 nalaman ko buntis ako, then 1 day nagising ako madaling araw para umihi tpos nkita ko sa panti ko meron akong pinkish red na spotting so tumakbo kmi sa hospital na pinagchecheck-upan ko. Since charity feeling ko hndi ka tlga aasikasuhin kaagad kya hapon pa nung naultrasound ako pero wala na ung baby ko. I had miscarriage at 6 weeks, grabi iyak ko non sa hospital, naiinis ako at nalulungkot kasi hinayaan lang ako, pinahiga lang ako ng ilang oras sa bed na dumadami at buo buong blood na ang lumalabas sken. However, nabuntis ako ulit Sept. din 2019, it was not planned pero nagkataon sya na same month kaya alam ko na un na ung pinalit ni Lord sa nawala nming baby. Nagpacheck up kmi sa private na na hospital para di na maulit ung dati na parang pinabayaan lang ako na duguin. Maselan tlga ako mabuntis nagkaroon din ako ng spotting nung 1st trimester sa 2nd pregnancy, natakot ako baka mngyari ulit ung dati pero thanks God nka 2nd trimester nako. Kso nung 6 mos. naadmit ako kc mataas bp pero nadischarged din ilang araw. Then nung 7 mos. (yehey 3rd trimester na!) pmunta kmi ulit hospital kc ilang araw na on-off spotting ko, color old red sya, naadmit ako non ilang araw tpos nalaman mataas ulit bp ko, so un ung minonitor nila pero okay nmn ung spotting kc close cervix pa nmn ako. Then nung hndi na macontrol bp ko pinapalipat kmi hospital kc wala silang nicu at incubator na facility need na daw ilabas c baby kc delikado para sming dalawa. Then nung lumipat kmi hospital nanibago ako kc public, nagpaadmit ako at under monitoring ako ng ilang araw pa, todo dasal ako ng ilang araw simula naadmit ako at nung pinalipat ako. Pero ang problema since public sya marami ang nanganganak dun at nwawalan ng incubator kada araw, kaya nghagilap ang asawa ko at mga magulang ko ng lilipatan nmin na may incubator kso lhat sila punuan na. Hanggang isang araw sinabihan kmi ng doctor na need n ko i-CS hndi na tlga macontrol bp ko, may ilang oras bababa tpos tataas ulit. So nagdecide kmi na i-CS nako at kinausap ko ung baby ko na stay strong at lalakasan ko rin loob ko diyos na bahala sming dalawa kung ibibigay o ndi pra smin kya stay positive lang ako. March 2, 2020 ng hapon nanganak ako, ang asawa ko at kpatid nya plitan sila sa pagpump kay baby sa NICU dahil kelangan tuloy-tuloy ang pagpupump, kya puyat at pagod sila. Ang magulang ko nmn ang ngbabantay skin. Pero March 3 ng hapon kinuha na ni Lord ng baby nmin. Actually ndi ako umiyak agad non dahil hndi pa nagsisink in sken ang ngyayari pero after ko nadischarged, ilang araw, gabi ako umiiyak, napapaluha nlng, ngtatanong kung bkit, ano bang mbigat na kasalanan ang ngawa ko at ngyayari to sken. Minsan naiinggit ako sa mga buntis o kya bagong panganak ung may mga baby, na minsan gusto ko na ulit mabuntis pero ntatakot ako dahil grabi ang mga pinagdaanan ko sa hospital na to the point na ngkaphobia nko ???. Sa mga gantong case o ngyari din sa knila, may chance pba kmi ng asawa ko na mgkaanak ulit?? Pashare naman po para mabuhayan ako ng pag asa.

4 Các câu trả lời

Hi mommy 2017 nanganak ako premature 34weeks emergency cs akala ko okay lang since un weight nman ni baby is sakto lang sa week nya akala ko kakayanin. Gnising ako ng anesth sbi lmbas na un baby ko sabi ko bakit po walang umiiyak di nila ako sinasagot. Nurse ako at mga ktrbho ko wlang gustong lumapit ksi di nla alm pano ssbhn sakin. Pag labas ni baby halos hndi na sya gumagalaw as in blue ndw aun pla my congenital anomaly sya diaphragmatic hernia 7hrs lang sya nabuhay. Iyak ako ng iyak kasi matagal nmn sya inantay 7yrs masundan ng panganay ko. Kung kelan stable at ready na kmi. Dmi ko tanong bakit hndi naman kmi masamang tao magasawa pero may mga bagay na Dyos lang may alam. Ngaun 3 yrs after buntis ako uli pinaghandan ko nag diet ako at nagtake ng folic acid. I know im ready then suddenly nagkakaron ako ng takot ng negative thoughts baka ganon nnman baka mawala uli baka may ganto ganyan tapos bubulong ako labanan mo labanan mo. Un anak ko snsbi baka dw mawala nnman hays nkakalungkot. Maniwla ka mami s takot ko ultimo usok kahit anong klase sasakyan lalo yn yosi iniiyakan ko. Pro kailangan labanan at magtiwala. Faith can move mountains. Ngayn im claiming na amin na si baby at knakausp ko un angel ko nq protect nya ang baby namin. Hays ang hirap mommy pero hndi natin malalaman ang sagot kung di natin subukan. GOD is good mommy. God bless

VIP Member

Mahirap tlagang alamin plano ng Diyos s tin pero lagi lng nating tanggapin na lahat ay may dahilan. 10 yrs kmi ng asawa ko bago ako nabuntis at halos lahat ng paraan para nkabuo ay ginawa na nmin. Last year lang din 3 baby nephews ko maaga kinuha s knina ng mga mommy nila. Sobrang na stress aq kaya nag bleed aq at muntik ng makunan, dahil may 3 angel pinsan syang nagbabantay nkasurvive sya. Ngayon 7 months n q, at tuloy2x lang pagdarasal. Malay mo sis may dumating ulit sau at magiging okay na lahat... Basta mging maingat at maalagaan mo n health mo. I will pray for u sis.

Thank u sis ❤️

God has plan po sis, Ako first baby ko na matay po sya 19 days lang sya dito sa Mundo, and then after 2yrs na Buntis ulit ako pero nung 7weeks na yung Tummy ko nakunan ako, Kahit anong ingat po natin kung hindi po talaga para satin kukunin po talaga yan ni God, hangang ngayon po hindi pa ako na Bubuntis dahil natatakot din ako baka Mamatayan ulit ako ng Baby 😔 4yrs na pong Patay yung First Baby ko po, Gusto na rin ng Hubby ko magka Baby dahil 5yrs na kaming nag sasama kaso ako yung hindi gusto dahil natatakot parin ako. Pareho tayo sis may Trauma na

I feel you sis, ako yung ginagawa ko Pray lang ng Pray ako kay God, and Nanonood ng mga Videos about sa TTC

Pwede pa naman mamsh..pero kailangan mo rin bigyan ng time ung katawan mo para magheal lalo na at CS ka..dapat ready ka physically and mentally for you to conceive again in god's time..don't rush..take it slowly..magpalakas ka 😊

Yes meron na sis..9 years old na..and I'm currently 9weeks pregnant now 😊.. I also had a miscarriage last year sis pero di kami nagmadali magbuntis agad..we gave it a year para makarecover sa loss 😊

Câu hỏi phổ biến