Hi guys. Gusto ko lang magshare. Ang asawa ko kasi nanakit physically, and emotionally, puro barkada pa, mabisyo pa and also nambababae pa. Full package na nga eh. Ilang years na din ako nagtitiis sympre para sa anak namin. Lalo na't babae pa man din. Live-in kami sa side ako ng lalake nakatira. Simula ng nagsama kami puro pamilya niya lang nagaalaga sakin, though inaalagaan nya naman ako pero MAS yung pamilya niya. Hanggang sa manganak nako, bihira nya lang ako tulungan sa pagaalaga sa baby namin. :( Pero tiniis ko kasi mahal na mahal ko. Broken fam kasi ako kaya sana ayoko maranasan ng anak ko yung kagaya sakin. Pinipigilan ako ng family niya, isipin ko daw anak ko. Di na kami nagkikibuan kahit magkasama kami in the same roof kasi naawa ako sa family nya nakikiusap sakin na wag ko ilayo saknila apo nila. Eh kaso kasi ako na yung dehado eh. Ask ko lang if kayo ba nasa sitwasyon ko tama bang pagtiisan ko siya alang ala sa anak namin and sa family nya na mahal na mahal kami?

69 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

No. hindi ako magtitiis sa mga ganyang gawain nya sa akin. Magkakasama nga kayo pero matatawag pa bang buo yun kung ang ama walang kwenta? I'd rather raise my child alone, far from harm and bad deeds from her father. Kasi ganon ko siya kamahal, kaya ko siyang ilayo sa mga taong toxic at hindu mafandabg example sa kanya, maging tatay pa man nya ito

Đọc thêm

Kung ganyan naman ang ginagawa sayo, humiwalay kana. Ayaw mo ng broken family pero kung ganyan naman pakikisamahan mo nanakit wag na Uy. Maiintindihan rin naman ng anak mo yan pag dating ng araw. Para magkaroon ka rin ng kaginhawaan. Makakaya mo yan kahit kayo lang ng anak mo kesa naman magtiis ka sa taong pahirap lang ang dala sa buhay nyo.

Đọc thêm

Kelangan mo po sya munang iwanan khit sandali ,try nyo mo po muna tumira sa dati nyong bahay nung ikaw ay dalaga pa, para ma realized ng asawa po ninyo un mga mali nya , kasi gat palagi ka nasa tabi nya khit pa di na maganda ginagawa nya iniisip nya ok lng lahat un sau, nasa sau pa din po desisyon .Let him realized mag babago din sya ☺️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi sis. I suggest kausapin mo sya yung nsa maayos syang mood tpos kayo lng masinsinan pero before that pray ka muna na mging maayos usapan nyo at bgyan ng peaceful mind yung asawa mo at knowledge and wisdom to realize na my mali na sya.. I really pray mging maayos kayo kse ang paghihiwalay ay hndi option kundi dpt hanapan ng solution. God bless

Đọc thêm
6y trước

Thanks po 😌

Think about your daughter. Gusto mo ba na ang kalakihan nya is normal yun sinasaktan at niloloko ang babae? Gusto mo ba na makuntento sya sa magiging future partner nya kahit puro barkada at mabisyo? Leave your husband. Do it for her, set a good example. If he can hurt you, what makes you think he won't hurt your child?

Đọc thêm

Hindi ka na mahal ng mister mo. Kung mahal kayo niyan never niyang gagawin sainyo yang magina. Mas nakakaawa yung bata kung ganyan kamumulatan na klaseng tatay baka magrebelde pa yon paglaki. Umalis ka na jan ata baka sakaling matauhan yung lalaki. Hindi ka magiging happy sa ganyang klase ng lalaki.

lack of communication is number 1 problem second emotionally and physically abused dapat hindi mo yan nararanasan from him... if kaya mo bumukod bukod kanalang sis bigyan mo nalang family nya ng visitation rights para sa bata kase hindi dn maganda na lumalaki anak mo na nakikita na sinasaktan k nya

Hindi natin deserve na mga babae na saktan at abusuhin, ng hirap tayo simula sa pag gawa at pag buntis at paka panganak wala tayo pahinga. Matiisin tayong mga babae lalo na para sa mga anak natin pero mali na ganyan ang sitwasyon mo. Lumaban ka mommy. Hindi natin deserve na apihin at saktan

Ayoko talaga sa lahat ay yung ginagawang dahilan yung anak (not to offend some mommies here. Opinion ko lang and If ako yung nasa posisyon). Kapag sinaktan kana once. Tapos na ang usapan. Maraming ways para dimo ipagkait sakanila. Ang utang na loob maibabalik buhay mo Hindi.

Ang pinagsama NG Diyos ay di pwedeng paghiwLayin ng tao. Kung ikaw babaeng mananamplataya at aswa mo ay hindi mananamplataya, wag mo iwan ang Aswa mo.. At kung mas pinili mo makipag hiwalay. wag ka makikipagrelasyon sa iba dahil ikaw ay may aswa at anak na. yan ay pangangalunya.

5y trước

Kahit mamamatay na siya di pa rin kakalas? Bulok ng katwiran mo leche