worried mommy here
guys ano po kaya maganda gawin yung baby ko mag 1yr and 2months na ayaw padin kumain ng mga solid food, may 2 po sya kinakain naman egg at fish everytime papakainin ko sya nun una ayaw pero pag pinilit mo sya isubo at nalasahan kumakain na sya, yung ibang food ayaw nya talaga like lugaw, at kanin na may ulam na iba, Salamat po sa sasagot!
Natry niyo na din po ba manood ng youtube momsh? Kung pano kahiligan ni baby ang solid foods? Yung iba nga po ginagawa pang funny vid yung pagpapakain sa baby. Yung gagamit si daddy ng stuff toy tapos kunwari isusubo yung pagkain then iiling si stuff toy tapos biglang bubugbugin ng daddy, pero nung nakita ni baby ginawa ng daddy niya sinubo niya yung pagkain kasi natakot. 😆😅
Đọc thêmHi mamsh try mo maglaga ng mga veggies and ilagay mo sa pacifeeder sisipsipin nya nalang yun pero kung di parin nya gustong kainin consult kana po sa pedia ni baby 🙂 bigyan mo din sya ng taho at sabaw ng gulay.
If may aayawan siya today, try niyo ulit 2-3 days from now or a week from now. Tapos buy kayo mga cute na spoon and fork and bowl. It will help din. Siya papiliin niyo anong kainan gusto.
Minsan nagiging pihikan din kasi ang baby pag nasanay sa cerelac or gerber. Kaya baby ko diko pinakain ng cerelac or gerber lagi ko lang sya pinaglalaga ng vergies and fruits.
ganyan din sakin. ngaun. inuunti unti ko syang subuan. matagal nga lang mumsh, pero at the end, nkkakain nman xa
Try mo po gawan ng puree c baby,like squash po
Sis wag po more on fish. Masama sa bata.