Induce Labor

Guys ano experience nyo sa induce labor ? mas masakit ba compare sa natural na labor ? FTM ! Baka daw kasi induce labor ako due to pre eclampsia pagdating ng 37 weeks ko !

24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Induced labor ako sa 2 kids ko mataas daw pain tolerance ko sabi ng OB ko kasi kahit 6cm na ko hnd ako nakakaramdam ng sakit, pinainom narin ako ng buscopan pero walang effect. Nakapasok pako sa office kahit 3cm at 6cm nako hnd ko kasi alam, as in wala akong nararamdaman, commute pa ako at nasa 3rd floor pa unit namin "no elevator" Yap masakit siya kailangan mo lang aliwin sarili mo, ako ginagawa ko nakikipagkwentuhan ako sa nurse 😁 may oras naman siya kung kelan sasakit at inaadjust ata nila yung ng gamot kung hanggang saan ang kaya mo. Good luck dear kaya mo yan :) Ajah!

Đọc thêm

on my experience ung panganay ko at pangalawa lagi ako iniinduce kasi mabagal bumukas cervix ko inoorasan ako ng doctor at iniinduce at masasabi ko na masakit sya. kaya nung pangatlo kong anak hinintay ko yung true labor pumutok kusa panubigan ko. at ang bilis ng labor ko at panganganak yun nga lang nadumi na sa loob baby ko kasi na over due na kakahintay ng true labor.. masasabi ko na hindi mas masakit ang true labor kesa sa i induce ka.. un nga lang ang problem baka kakahintay mo e madumi din anak mo sa loob ng tyan.

Đọc thêm

Ako induce labor din, kasi 1week na pero nasa 3cm pa din ako, 16due dateq, nagworry na kami kasi 3cm pa din ako kaya nagpa induce nq,kesa ma cs, by 2pm sinaksakan nq ng swero,pinahiga ng paleft side at tinurukan ng ilang buscopan, 6x aq sinaksakan nun at nag-insert sakin ng primrose,by 4pm nakaramdam nq ng pain by 1:42am lumabas na si babyq..

Đọc thêm

Induced labor ako sis..Mas ok sya kesa maglabor ka ng natural..Mtgal un..Ang induced kc tuturukan ka pampahilab pra bumukas agad pwerta mo at lalabas na c baby..Un lng pag nag induce ka at nastock po cm mo ng ilng oras..Bagsak ka po ng cs.. Kc maiistress na c baby

sa 1st baby ko induce ako, 😊😊 kasi wala na akong panubigan .., pero induce ako kasi hindi ako naglabor no pain .. 8am ako ininduce 12pm ramdam ko na ang labor ., masakit talaga tapos 2:24 nanganak na ako 😊😊 2hours lang nag labor mamsh!!

5y trước

May cm ka na po ba nung na induced ka

Ako induced din. Parang normal lang nung nanganak. Lying in kasi ako. Sobrang maalaga sila at magaling si doc. Naka anim na inject sakin ang side effect nun sakin is humina gatas ko after birth. Ayun lumakas din naman ulit after few days.

Nainduce po ako @ 38 weeks. I thank God nakasurvive ako. Ang hirap po! ang sakit. sa experience ko lang po yun. nung naadmit ako 4 cm na pero 22 hrs ang labor kasi ang kapal daw po ng cervix ko.

Super sakit sis. Induced labor ako kase nag leak n pnubigan ko tapos 2cm p lng. Mayat maya n ang hilab. Di mo n alam posisyon mo. Pero nkaraos nman via nsd

mas masakit po tlga ang induced labor sa normal labor been there halos d mo na alam san ka kakapit kpag hihilab na haiist😅

4y trước

Yes mamsh . hahaha give birth last Oct 2019 😢 Sakittt

Thành viên VIP

Masakit. Induced ako non halos every hr. Ako IE and ang tagal ko nainduced naCS din naman pala ako

5y trước

bakit po kayo nacs mamsh ?