Ang best na "pampadami" ng breastmilk ay Unlilatch/ feed on demand lang po and keep yourself healthy, well-hydrated, and make sure naka-deep latch si baby ☺️ Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️
Also, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output (poops, wiwi, pawis), at hindi sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️
I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)
Correct and proper knowledge on breastfeeding is the most effective milk booster ☺️ I recommend watching these videos rin po:
https://youtube.com/playlist?list=PLxVdpaMfvxLCDSNEgM2QcN5pAc-LraJgL
Đọc thêm