17 Các câu trả lời
Mommy juliet baka po makatulong sa mga gustong mag advise sayo. Ito po yata gusto sabihin? Gusto ko na magpakamatay. Sawa ako lagi ng mura ng(sa) tiyahin (ko/ng asawa ko). Yung hipag (ko) lagi akong isinusumbong (sa) asawa ko ng mali ko (sa) pag aalaga. dapat naman sa akin niya muna sinasabi bago sa asawa ko. hindi ko mapasuso sa utong (sa) kabila si baby hindi utlaw(litaw) utong ko ito yun(yung pic), ano dapat ko gawin mamsh?
Momsh wag ka mawalan ng pagasa. Inverted din ako don sa dalawa ko. Mag pump ka mommy, sobrang laking tulong sakin non. Don sa mga nang iistress sayo, wag mo pansinin. Alam ko mahirap pero we have to choose our battles as moms kasi kelangan natin i conserve yunh energy natin. God bless you sis! Sana maging okay lahat.
Hayaan mo nlng cla. Basta magpokus ka Sa baby mo. Sa akin KC syringe ung ginamit alisin mo karayom tapos baliktarin mo ung plunger n tinatawag tapos ayun pahila mo utong mo gamit un..peo pag d pa tlga..baka may midwfe or health care Jan sa inyo paturo o patulong ikaw. Kaya mo Yan momshie. Pray always. God bless u!
Mukhang nagpopostpartum depression ka momsh. Think positive lang po. Wag po kayo papadala sa mga negative comments ng ibang tao. Pwede niyo po ihand express yan sa breast niyo o kaya gamit ng silicone breast pump.
Alam mo sis ganyan tlaga kapag nakikisama ka sa byenan,ang impprtante mag usap kau ng asawa mo kung kaya nyo na mag settle kse nhhhirapan ka makisama sa mama nya.
Lakasan mo lang po ang iyong loob. Wag mo intindihin yang sinasabi ng ibang tao. Isipin mo nalang po yung baby mo.
Wag niyo na intindihin tyuhin niyo. Ang importante mapasuso niyo anak niyo. Mag pump kayo para mastimulate lalo
ipump nyo po para lumaki nipples nyonat huwag nyo pansinin mga kasama nalang para iwas stress
dapat sana kung nafeel mona na na masakit sana pinadede mo agad
Inverted ba momsh? Pump mo momsh para madede ni baby
Lara Portosa-Hernandez