pain

Gusto niya ipalaglag baby ko, oo alam ko di ako ready pero napag isip sip ko na di ko kaya mawala baby ko at di ko din kaya pumatay ng bata, mahal na mahal ko anak ko prro bakit gustong patayin ng bf ko. Kasi ung mama niya ilang beses na nag palaglag tapos nung nakabuo kami gusto niya din ako itulad sa mama niya na nag kakasakit dahil kakapalaglag niya di niya iniisip na madaming dugo din lalabas sakin na baka mapahamak din ako, mahal ko anak ko tulungan niyo pa sana ako

19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Wag na wag mong gagawin yan, ako nga eh 7 weeks pregnant hindi pa alam ng parents ko at natatakot pa din ako sabhin sakanila lalo na ako pa ang inaasahan nila na makakatulong sakanila. 20 years old pa lang ako, iniisip ko na lang yung time na manganganak ako at makakarga ko na ang baby ko, one day maiisip mo pag lumaki na ang baby mo "buti na lang hindi kita pinalaglag anak, buti na lang pinag laban kita, kung hindi ko nilakasan ang loob ko siguro wala ka ngayon sa tabi ko" ganyan na lang po ang isipin mo. Kung hindi matanggap ng boyfriend mo yang anak nyo, pabayaan mo sya dahil wala syang kwentang lalaki, wala syang bayag. Ipakita mo na kaya mong buhayin ang anak mo. And mapapayo ko sayo kung ganan ang sitwasyon mo, sabhin mo na lang sa parents mo ang problema mo para kahit papano alam mo kung ano ang gagawin mo, pamilya mo sila at naniniwala akong hindi ka nila tatalikuran.

Đọc thêm
5y trước

Sabi mo kasi, "hindi pa alam ng parents ko" 😅

Walang ibang mkkatulong sayo kundi sarili mo lang. Sa sarili mo manggagaling ang magiging DESISYON mo at hindi sa iba! Alam mo nman na talaga kung ano ang dapat mong gawin, kung ano yung sa tingin mo ang tama. Walang kwenta yang bf mo kaya d mo siya dapat panghinayangang iwan. Yang baby n nsa loob ng tyan mo, sariling dugo't laman mo yan kaya alam mo kung ano mas matimbang sa kanilang dalawa. Yang bf mo, puro lang pasarap ang alam, pero d alam salitang responsibilidad pag may nangyare n. Di niya deserve maging magulang.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Your baby is a gift. Ndi ka man ready but pray that God will help you. God will send people to help u too. Pero never mong ipalaglag yang baby mo. Ganyan nasabi sakin before nung nabuntis ako sa panganay ko. I wasnt ready pero pinanindigan ko. Sorry to say this pero yang ganyang partner is not worth it makasama. Gusto lang pasarap pero sa hirap nanlalaglag na. Hope u learned a lot sa situation mo.

Đọc thêm

Same tayo sis ung ex ko gusto palaglag ung baby pero sabi ko kahit di pa.ako handa di ko hahayaang may mangyari masama sa baby ko. Mas mabuti pa paputol nya titi nya walang kwenta.✌✌✌🤗🤗🤗 kaya mo yan sis. Babae tayo kaya natin buhayin anak natin na walang suporta galing sa walang kwentang ama. Be strong, kung nakaya ng iba maging single mom I'm sure kaya din natin to..

Đọc thêm

Hay naku hiwalayan mo na yan.. Irresponsable ama yan... Mamaya pag hnd mo yan hiniwalayan kawawa kpa dyan . kaya mas mabuti pa makipaghiwalay kna lng sa lalaking yan.. At sabihin mo ang totoo sa magulang mo kasi kahit gaano kasama ang anak tatanggapin kpa rin ng magilang mo kung nakagawa ka nman ng kasalanan.. At for sure po hnd ka pababayaan ng magulang mo... Hiwalayan muna yan momshie

Đọc thêm
Thành viên VIP

pag po mag palaglag ka pwede ka din mag karoon ng deperensya pwede masira mastress mo. Walang abortion dito satin. Yung mga gamot2 lng na kung ano2 iniinom minsan buhay padin bata. Pag labas me deperensya lalong problema. Gawin mo ang tama para wala kang pag sisihan sa huli. Hindi pag kakamali ang magkaroon ng anak turuan mo maging mabuti, cgurong pag tanda mo aalagaan ka nyan.

Đọc thêm

Leave him, that's it. Go to your parents and tell them what your boyfriend is planning. Kung matino ang magulang mo, they will not agree with your boyfriend's plan. Magagalit sila sa una, given na 'yun but in the end sila yung magiging nasa tabi mo. Just let go of the "boy", if he truly loves you and your baby hindi niya ipapalaglag 'yan.

Đọc thêm

First of, kung mahal mo yan bata without second thought iiwan mo nalang yang bf mong magaling lang gumawa ng bata. Kung mahal mo talaga ipaglalaban mo at itutuloy mo yang pagbubuntis mo with or without the father. Hindi yang puro ka rant at salita. Panindigan mo kung talagang gusto mo. Hindi yung ganyan.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Naku! Huwag mong pakinggan yang bf mo.Kung ako sa iyo hihiwalayan ko yan at ipagtatapat ko sa magulang ko lahat kahit mahirap gawin.Palakihin mo na lang yang baby mo.Balang araw siya din ang mag sisisi.Para siyang walang bayag.di porket ang mama niya ay panay pa agas ay ganun din gagawin sa baby nyo.

Đọc thêm

Ganyan din bf ko,gusto niyang ipalaglag kasi unwanted pregnancy daw to,kaya mas minabuti ko na lang makipag break sa kanya at palakihin tong baby ng ako lang,akin lang ang little angel ko,di namin suya kailangan. mag 2months na kaming walang contact at 2months na din akong di stress,wala ng sakit sa ulo

Đọc thêm
5y trước

walang kwenta kasi ibang lalaki haha,pasarap lang gusto