Normal lang po ba di magkagatas?
Gusto ko sana magbreastfeed para tipid kaso wala po nalabas sakin. May dapat po bang gawin? If di talaga kaya anong brand po nang milk mura pero maganda sa newborn? #1stimemom #advicepls
Unlilatch mi wag ka muna mag ooffer ng formula.. Di naman need ni baby ng madami gatas agad kasi maliit pa stomach nila size palang ng calamansi.. Once ipadede mo siya masisipsip niya colostrum muna then susunod yung milk mo na talga... Keep yourself hydrated at magtake ka malunggay cap.. At m2 malunggay effective yan. Sa akin Ginawa ko din pinahilot ko lang mga gilid ng breasts hanggang kilikili tapos while nadede si baby pinapump ko kabila. Ayun 3days lumakas na talaga milk ko nun na una napakahina palang
Đọc thêmpa latch mo lang ng pa latch momsh. ako di makalabas yung gatas ko kaya pinalatch ko din sa partner ko (turo ng nanay ko lol). ayun after 3 days, okay na. tapos pag pinapadede mo imassage massage mo din. maraming sabaw lalo na yung may malunggay at madaming water din
cge po salamat po 😊
pahilot ka more water malunggay at masabaw na ulam avoid stress eat healthy foods higit sa lahat UNLILATCH saken 3days bago lumabas ang gatas ko. hindi naman need na mdami agad kasi kapiranggot palang tyan ng nrwborn.
Đọc thêmcge po thankyou po sa advice 😊
correct latch lang mamsh.. positive mind, iwas ka po sa stress.. kaen ka po ng healthy foods and take ka ng vitamins. kaya mo yan mamsh..
same case here more sabaw and unlilatch lng . after 3-5 days lumabas na gatas ko at ngayon 4months na si bb ko na purebf.
Yung mura at maganda sa newborn is ang breast milk mo. Pagtyagaan mo padedehin and unli latch c baby
cge po salamat po 😊
try mo po magpa lactation massage mi. baka blocked ducts lang.
try nyo po mag search sa fb sa mga masahista po.
inom ka lang Ng inom Ng Milo mabisa Po un . try mo Po.