Breastfeeding

Gusto ko po Sana ibreastfeeding Ang baby ko kaya lang ayaw nya na kahit anong pilit ko naiyak sya. Nasanay na sya sa bote 1month na sya. Tips naman po kung paano ko sya mapapadede sakin?😩 #1stimemom #firstbaby #pleasehelp #breastfeeedingmom

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

May breastmilk ka naman po? Pilitin nyo lang po maglatch si baby sayo and hilutin ung spot sa likod ng tenga. Ganyan po kasi ginawa namin kasi nagbote agad sya. Tyinaga lang namin na pilitin sya maglatch kapag kalmado sya then side lying position.

Hi, Mi. Sikapin pa ring maipa-latch/mapa-dede si baby sa iyo. Pwede ka ring lumapit sa lactation consultant para matulungan ka. Join ka sa mga breastfeeding groups sa social media. Laking tulong non. :)

2y trước

Sa FB mo lang muna hanapin. Sumasagot sila sa msgs :)

Same po, di sya nadede since inverted ang nipple ko nagwawala talaga siya kaya pinapump ko. pero exactly 1month and 1week dumede na sya finally sakin. try and try lang mamii. tyagain mo lang. 😉

try lang po ng try, pero if ayaw po talaga, mag pump nalang po kayo and ilagay sa bote,