Stress sa pamilya

Hi. Gusto ko lang sana maglabas ng sama ng loob, kahit na walang pumansin neto okay lang.. nakatira ako ngayon sa family ko, ung asawa ko di kame magkasama dahil stay in sya sa trabaho. Ngayong may pandemic ako lang may trabaho sa pamilya namen kaya saken lang din sila naka asa. Ang kinasasama lang kase ng loob ko ung ugali ng nanay ko, panay ang parinig pag wala ng hawak na pera. Pag araw ng sahod ko tahimik sya pero makalipas ng 3 araw di na nya ko papansinin kase wala na syang pera tapos panay na ang parinig nya. Naiistress ako kase 6 months pregnant ako. Kahit pagod na ko pinipilit kong pumasok sa trabaho para lang may mabigay ako sa pamilya ko, sa totoo lang pagod na pagod na ko. Kakayanin ko naman sana kahit nahihirapan na ko dahil kahit pang budget ko binibigay ko na sa nanay ko pero may naririnig parin akong salita. Nakakasama lang ng loob pati ung asawa ko nagbibigay ng pera sa nanay ko pero pag naubos na ung pera di na nya kame kikibuin mag asawa. Kaya minsan nahihiya na din ako sa asawa ko, sinasabe ko na lang na wag na muna sya kumaen samen dahil puro parinig ang nanay ko. Gabe gabe na lang ako umiiyak kase nahihirapan ako pasanin ung pamilya ko, 6 kame sa bahay, sa dami namen di sumasapat ung kaya kong ibigay.. naiiyak ako sa hirap ng buhay na dinaranas namen ng anak ko. Hindi ko magawang umabsent kase nanghihinayang ako sa sasahurin ko, wala akong ibang choice kundi magtrabaho. Sobrang pagod na ko. Please pray for us ng baby ko, sana kayanin namen to. 😭😭

29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Virtual hug po sa lahat ng mommies na ganito or similar ang sitwasyon 🤗 'Wag po nating kakalimutan na ang babies na natin at mga asawa na natin ang dapat nating priority. At putulin na rin po sana natin 'yung panget na cycle ng paggawang investment sa mga anak natin. Magtrabaho po tayo at mag ipon hangga't kaya para hindi tayo maging pabigat sa kids natin in the future.

Đọc thêm

stay strong mommy. hindi mo responsibilidad ang nanay mo magplano ka na umalis jan lalo na pag kaya nyo na kasi baka tumanda ka ng maaga sa poder nyan. Hindi masama umiwas kahit kapamilya mo lalo na pag TOXIC na ugali. hindi healthy enviroment sa magiging baby mo at sa magiging family mo. nakakainis hindi porket nanay mo sya eh gagawin kang retirement plan ng mga yan

Đọc thêm

minsan parang sasabog ka na sa sama ng loob pag ganyan. di na nawala sa kultura nateng pilipino yang ganyan na wala kang kwentang anak pag dika makapagprovide for the family. diko alam kung ano pinaghuhugutan ni nanay mo baket sya ganyan sayo. pero i feel sorry for you.. sana kayanin mo pa. if magkaron kayo ng lakas ng loob ni hubby, humiwalay na kayo.

Đọc thêm

haisst .. ndi nman ganyan sitwasyon ko pero sa ugali ng nanay ko parang ganun na nga .. pag may bayarin na .. andami na sinasabi .. naubos na ipon ko kakabigay .. nung manganganak n ako d nman nya ako matulungan .. kaya mag ipon ka po ate para sa baby mo .. at para sa panganganak mo .. lalo na sa panahon ngaun .

Đọc thêm

Iwasan nio po ma stress mommy. Mas mgnda po kung my malilipatan kyo ng bahay khit ngaun lng hnggang sa mkapanganak ka.. Kung kya mo nmn pong kausapin c nanay mo, kauspin nio po. Ilabas nio sama ng loob nio. Wg nio pong kimkimin, mkkasama yan. Ingat po kyo ni baby.. i will pray for u po 😢🙏🙏

kung d mo pa kaya bumukod, wag mo na lng pansinin nanay mo at iwasan mo mag overthink. they should be working nga kasi buntis ka, high risk yan ksi papasok ka at exposed ka. ibigay mo lang yung kaya mo ibigay. you cannot control the situation, but you can control how you on react to it.

. kaya nyo yan ni baby mommy,.. kakayanin ntaen mga preggy malutas lahat ,. ioang months nalang mommy,.. ang kaso mas malala sigru si mama mo, pag syana nag babantay kay baby mo... sna lhat ng pasanin naten ay matapos na.. 🙏

kakastress nga yan. sakin dati maternity benefits ko kinuha pa nila. oh dba walang patawad. may trabaho papa ko. mas malaki sahod sakin pero nde man lang nakaramdam na need namin magasawa ng pera. hahaha.

4y trước

Aba matindi 'yung sa'yo momsh kinuha talaga mat ben mo?! 😱

proud of you mommy...ako din 7months na pro still working outside a din ksi wla ding maasahan...pro kaya ntin to..mgoray lng tayo plagi xa na ang bahlang magprovide at magalaga sa atin sa labas..

kung ako sayo teh bumukod ka na lang. buntis ka na nga, sayo pa sila nalasandal.. tbh di mo naman na obligasyon pamilya mo. magbayad ka na lang sa nanay mo ng parang renta mo jan sa bahay.